Saturday, March 14, 2009

Pangarap ng bawat Pinsan

Noong bata pa ako, pumupunta kami sa province ng dad ko every summer sa Batangas para bisitahin ang mga pinsan at kamag-anak doon. At since Batangenyo ang tatay ko, at ako daw ay anak ng isang Batangenyo, dapat daw marunong akong uminom. At the age of 14, nalasing ako sa isang long neck na Emperador habang kainuman koa ng dalawa kong pinsan, na Batangenyo. Tulog at umiiyak ako kasama ang pamilya ko pauwi ng bahay. Lasing.

Hindi mayaman ang pamilya sa father’s side ko. Kaya minsan, talagang ayaw kong pumupunta ng Batangas, kasi kukurutin ka sa pisngi ng mga tao doon na madudumi ang kamay, papakainin ka ng kung anu-anong pagkain na hindi mo akalaing kinakain pala. Mahirap, pero dapat makisama ka, kasi family mo sila.

May pinsan ako doon, babae. Sa clan nila doon, siya na ang pinaka matalino. Kumbaga, kapag may handaan doon, siya ang laging ipinagmamalaki, pinapakanta, sayaw at pinapa-spell ng CHEF at CHOIR sa harap ng bisita. Mga litrato at medals niya ang nakasabit sa dingding ng bahay.

Noong grade 3 ako, at siya naman ay 3rd year high school, nilaban ako sa kanya ni dad ng spelling. At dahil silver medalist ako ng spelling noong grade 3, ako ang nanalo. Natalo ko ang pinsan kong high school. Buong araw, sa lahat ng taong pumapasok ng bahay sa Batangas, kinukwento yun ng dad ko. Gago. Mangilid-ngilid na ang luha ng pinsan ko, pero proud pa din ang loko.

Two months ago, nakita ko ulit si pinsan. Si pinsan na among sa clan ni dad, eh ang best among the rest na, sa Greenbelt. Nasa isang restaurant siya doon, nagtatrabaho bilang waitress. In fairness, mamahaling resto, pero ayun nga, waitress siya doon. Hindi ko siya nilapitan para kamustahin, dahil ayaw ko ng awkward moments tulad noon. Nagflashback sa akin lahat ng childhood memories namin. Ang taguan at habulan sa loob ng bahay, ang pagbili ng ice candy na akala ko noon ay masarap at malinis, ang pagswimming sa ilog, ang pagkain ng suman na talagang masarap at hinahanap ko pa din everytime may bibisita from Batangas. Lahat.

Naisip ko tulay na sadyang unfair ang mundo. Naniniwala akong magaling ang pinsan kong ito, kahit natalo ko pa siya sa spelling noon. Pero dahil sa probinsiya siya nakapag-aral, hindi equal ang opportunities na binibigay. Madami akong kilala ngayon na puro hangin ang utak, pero ang gaganda ng titulo sa pangalan. Nagloko sa pag-aaral, pero mayaman at ang sarap ng buhay.

Alam kong madami pang mas malungkot na kwento bukod sa pinsan ko, pero dahil kamag-anak ko nga siya, I could not help but feel sad. Nakapagtapos siya ng nursing, pero waitress siya ngayon. Yung mga holdaper sa Quiapo, naglalaro ng PSP, tapos siya, waitress. Iniisip ko na lang, at least, marangal ang trabaho niya. At least may trabaho siya. At least. Pero nanghihinayang talaga ako.

Alam kong kapag sa school ko siya nag-aral, mas magaling siya sa akin. Ako kasi, tamad na, gago pa. Pero ang tataas ng grades ko. Eh siya, masipag na, bobo lang siguro ang mga nagtuturo. Kasi sa pinaka-public school siya nag-aral.

Madaming hindi nabibigyan ng tamang opportunity sa mundo, isa lang dun ang pinsan ko. Kaya nakakainis minsan yung mga puro kalokohan sa buhay ang alam, hindi marunong mag-value ng opportunities, ng chances. Puro pasarap sa buhay ang alam.

Paano kaya pinapantay ng Lord ang ganitong eksena?

No comments:

Post a Comment