Mahirap kapag ang mga bagay na kinaaayawan mo sa tao, eh nasa pamilya mo. Una, hindi mo sila pwedeng iwasan, dahil nga, pamilya sila. Gustuhin mo man silang baguhin, maraming circumstances ang pumipigil sa iyo.
Eto ang ilan sa mga linyang ayaw kong marinig:
"It's easy for you to say, favorite ka kasi. Eh di kayo na lang magsama."
Or...
"Wala na naman akong ginawang tama sa pamilyang 'to eh. Lagi ako ang mali. Eh ikaw, kahit ilang beses kang magkamali, hindi napapansin. Lahat ng puri, sa iyo."
Mahirap sagutin ang mga ganyang statements, kasi either way, alam mong may maooffend ka. Effort-wise, alam kong equal kami lahat, nagkakataon lang siguro na maganda ang chanelling ko sa mga bagay-bagay, kaya yung mga pangit na pangyayari, hindi ko masyadong pinagninilayan. Whereas sa iba kong kapatid, dinidibdib nila masyado, ang hilig magtanim.
Ang mommy ko naman, na hanggang ngayon eh hindi matanggap na kahit konti, ay may favoritism siya, pinipilit pa din ang mga points niya. Sa posisyon ko, mahirap magsalita kasi maaaring lumabas akong sipsip, o talipandas. Kung pwede lang iupo ko sila, itanong kung ano ang gusto mula sa isa't-isa, tapos ako na ang gagawa.
Ang magaling na kapitan naman, dinamay ako sa corruption schemes kanina. In an effort not to make an issue out of anything anymore, dahil nga pagod na pagod na ako, bumigay na lang ako. Kasabay ng nawala kong wallet (kumukuha kasi ako ng afidavit of loss para sa lisensya ko), ay may "nawala" din pala akong phone. Technically, phone from him, na galing sa barangay. Naisip ko na lang, "Pota, minsan na lang magbigay si dad ng imaginary gift sa akin, mananakaw pa pala..."
Extremes nga siguro ang pamilya namin. Hindi man ako ang pinakamatino, pero siguradong ako ang may pinakamalaking pag-unawa sa mga bagay-bagay. Kaya naman ipipilit ko, na matuloy ang two years na halos na planong magbakasyon as a family. Doon kami kulang eh, doon ko gusto bumawi.
Gusto ko na talaga magkaroon ng pera, para makakilos na ako para sa amin. Mahirap umasa kapag nasa iyo ang responsibilidad. Wala kang control sa mga gusto mong mangyari eh.
Ngayong gabi, ipipikit ko ang mga mata ko, magdadasal, na sana, maging okay na lahat, kahit hindi pasko; na sana, sa pagdating ng birthday ni ma, maging masaya siyang totoo; na sana, kahit konti, lumawak ang pag-unawa ng bawat isa. Kasi sa huli, gustuhin man namin o hindi, kami pa din ang magkakasama. Kami pa din ang pamilya.
No comments:
Post a Comment