Sunday, March 22, 2009

Now it is time to Breathe

Nakakapagod ang mga nangyari nitong nagdaang mga araw. Edit dito, meeting doon, aral para dito, sulat para doon. Napakaraming dapat gawin, kaya naman nakakabwiset ang mga taong nakikidagdag pa.

Umuwi ako ngayon sa province, trying to get away from all the bustle sa Manila. Ayaw ko munang makinig sa problema ng mga tao, gusto ko, pakinggan ang sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ko nang magmuni-muni ulit.

Oo, kahit masaya, napagod ako ng sobra sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Kaya naman hindi ko masisi ang sarili ko sa paghahanap ng happy places sa iba't-ibang sulok ng mundo. Ayaw ko kasing dumating ang oras na wala na akong mapuntahan kapag malungkot ako. Gusto ko, kahit saan ako tumingin, may happy thought, may happy place, basta masaya.

Hindi naman kasi garantiya na magiging masaya ako ng habambuhay. Gusto ko lang ng fallback.

Kapag wala kang ginagawa masyado, may oras ka talaga para makapag-isip.

Uhmm, Wado, pwede ba kitang makausap?

No comments:

Post a Comment