Sunday, March 29, 2009
Before I get back to reality
I remade our menu boards sa Ihaw-Ihaw Balot-Balot, sorta my gift to my mom. Everytime kasi na uuwi ako ng Lucena, she wouldn't stop nagging me about the boring menu board she has, pangit daw yung pics and all. Kaya ayan, makeover!
(here are some samples of what I did!)
Then I attended Bea's graduation at Miriam with mom. Si dad naman, attended the graduation of Symon sa Lucena. I made his speech the night before Mon's graduation, siya kasi ang parent feedback sa graduation, haaay. Anyway, finally may bonding time ulit kami ni Bea, and ni mommy na din. Bea and her bf Andrew ate dinner with us, surprised mom with a cake, (post birthday celebration---Bea sorta forgotten about mom's birthday, kaya bumawi that night with a cake) After the graduation, Eastwood for dinner, ate at Teriyaki Boy's. It was fun, eath hour nung pauwi kami, ang dilim sa express wayyy!!!!
Visited my barkada sa Lucena, for Tina's bridar shower daw. Neech made an awesome dinner for us. Cocktails and mocktails. Ayun. Fun fun nighT!
In a few hours, I'll be off to Manila to start my OJT with SAGA Events. I do hope it'd be a fun learning experience for me. Sana masaya, sana nakakapagod, sana worth it.
I will miss Goalda, rest in peace. Argh! Salamat sa lahat ng tulong.
Friday, March 27, 2009
Enter "Indifference"
Just a thought...
Bakit siya ang magsasalita? I mean, if there's one person who deserves the least credit for my siblings' education, it's him. Kaya nahihirapan ako na gawan siya ng speech. Sabi ni Jam, try putting myself in his shoe. Well, the more controversial the speech gets. Kung ilalagay ko sarili ko sa posisyon niya, I sure as hell shouldn't take credit at all sa graduation ng kahit sino kong anak. Kahit singko, wala siyang nilabas. At magsalita sa harap ng parents, faculty, students and talk about parenting and tuition fees and the struggle of being a parent?! Bullshit.
Holy crap! Sino kayang idol ni dad noong bata? Haaay.
Thursday, March 26, 2009
The one I love most---
Happy birthday to my most beloved mom! =)
Wala na sigurong tao sa mundo ang mas hihigit pa sa mom ko. Lahat ibibigay niya para sa taong mahal niya. Sa kanya ko namana ang selfless love (kay dad naman ang pagiging selfish). Kaya neutral ako sa lahat ng bagay.
Sa kanya ko namana lahat ng magagandang traits ko, at dahil doon, I feel I'm right where I belong. Kung nasaan ako ngayon, physically, literally, emotionally, spiritually, technically, dahil sa kanya, her alone. Kaya kung may hihingiin siyang favor, walang abog ko itong gagawin. That's how much she deserves to be happy.
happy birthday 'ma! I lovvvve you! =)
Wednesday, March 25, 2009
So lumabas na ang grades namin.
Guess what... BAGSAK AKO SA LIT!!!
Nakita ko na naman na mangyayari, o pwedeng mangyari ito, but then again, wala kong ginawa dahil hindi worthy si Lising pag-effortan. Same with Olivar. Kaya si Lord na ang bahala sa kanilang pinanganak na magaling. Sana maging magaling sila habambuhay.
As for me, extra workload means new friends!
May planong rebellion ata si Weil against Lising. Try ko sumali, para naman may advocacy ako. At legacy din na makapagpatalsik ng prof!
Tuesday, March 24, 2009
Monsters in the Closet
I couldn't get away from the monster, as the closet, has always been there for me. I wish I'd get over the blanket and closet phase before the monster eats up the remaining sanity in me. Or better yet, a bigger closet.
Lintik na Misunderstanding
Eto ang ilan sa mga linyang ayaw kong marinig:
"It's easy for you to say, favorite ka kasi. Eh di kayo na lang magsama."
Or...
"Wala na naman akong ginawang tama sa pamilyang 'to eh. Lagi ako ang mali. Eh ikaw, kahit ilang beses kang magkamali, hindi napapansin. Lahat ng puri, sa iyo."
Mahirap sagutin ang mga ganyang statements, kasi either way, alam mong may maooffend ka. Effort-wise, alam kong equal kami lahat, nagkakataon lang siguro na maganda ang chanelling ko sa mga bagay-bagay, kaya yung mga pangit na pangyayari, hindi ko masyadong pinagninilayan. Whereas sa iba kong kapatid, dinidibdib nila masyado, ang hilig magtanim.
Ang mommy ko naman, na hanggang ngayon eh hindi matanggap na kahit konti, ay may favoritism siya, pinipilit pa din ang mga points niya. Sa posisyon ko, mahirap magsalita kasi maaaring lumabas akong sipsip, o talipandas. Kung pwede lang iupo ko sila, itanong kung ano ang gusto mula sa isa't-isa, tapos ako na ang gagawa.
Ang magaling na kapitan naman, dinamay ako sa corruption schemes kanina. In an effort not to make an issue out of anything anymore, dahil nga pagod na pagod na ako, bumigay na lang ako. Kasabay ng nawala kong wallet (kumukuha kasi ako ng afidavit of loss para sa lisensya ko), ay may "nawala" din pala akong phone. Technically, phone from him, na galing sa barangay. Naisip ko na lang, "Pota, minsan na lang magbigay si dad ng imaginary gift sa akin, mananakaw pa pala..."
Extremes nga siguro ang pamilya namin. Hindi man ako ang pinakamatino, pero siguradong ako ang may pinakamalaking pag-unawa sa mga bagay-bagay. Kaya naman ipipilit ko, na matuloy ang two years na halos na planong magbakasyon as a family. Doon kami kulang eh, doon ko gusto bumawi.
Gusto ko na talaga magkaroon ng pera, para makakilos na ako para sa amin. Mahirap umasa kapag nasa iyo ang responsibilidad. Wala kang control sa mga gusto mong mangyari eh.
Ngayong gabi, ipipikit ko ang mga mata ko, magdadasal, na sana, maging okay na lahat, kahit hindi pasko; na sana, sa pagdating ng birthday ni ma, maging masaya siyang totoo; na sana, kahit konti, lumawak ang pag-unawa ng bawat isa. Kasi sa huli, gustuhin man namin o hindi, kami pa din ang magkakasama. Kami pa din ang pamilya.
Monday, March 23, 2009
Looking back...
Nung Swimming competition last month, despite the daily training, hindi na ako pumayat. (refer to photo below-extreme left)
Hindi na din kasi ako nakakapunta ng gym dahil sa TOMCAT. Puro fastfood pa ang kinakain ko.
Kaya tumaba na ako ng sobra.
Waaah, summer time is a new opportunity to start all over again.
Ibalik sa 32 ang 34 na bewang, ibalik ang abs para hindi taba ang hinahawakan ng Barns, ibalik ang healthy lifestyle, ibalik ang tambalang Guy at Pip!!!!
Sunday, March 22, 2009
Siya lang
Kapag kunsumido ako sa dami ng epal sa mundo
Kapag masakit na ang ulo ko sa kakapukpok ng nagmamarunong
Kapag bingi na ako sa problema at sermon nila
Tinatanggal niya lahat ng ito.
Pinapalitan ng corny jokes. Mushy quotes.
I love my Barns!!!
Now it is time to Breathe
Umuwi ako ngayon sa province, trying to get away from all the bustle sa Manila. Ayaw ko munang makinig sa problema ng mga tao, gusto ko, pakinggan ang sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ko nang magmuni-muni ulit.
Oo, kahit masaya, napagod ako ng sobra sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Kaya naman hindi ko masisi ang sarili ko sa paghahanap ng happy places sa iba't-ibang sulok ng mundo. Ayaw ko kasing dumating ang oras na wala na akong mapuntahan kapag malungkot ako. Gusto ko, kahit saan ako tumingin, may happy thought, may happy place, basta masaya.
Hindi naman kasi garantiya na magiging masaya ako ng habambuhay. Gusto ko lang ng fallback.
Kapag wala kang ginagawa masyado, may oras ka talaga para makapag-isip.
Uhmm, Wado, pwede ba kitang makausap?
Sunday, March 15, 2009
I love you when i wake up in the morning.
I love you when I sleep at night.
I love you when I kiss yesterday goodbye.
I love you more today than yesterday.
If there is such thing as too much love, this is really it.
I love you Barns, and let's keep it this way.
Saturday, March 14, 2009
Pangarap ng bawat Pinsan
Noong bata pa ako, pumupunta kami sa province ng dad ko every summer sa Batangas para bisitahin ang mga pinsan at kamag-anak doon. At since Batangenyo ang tatay ko, at ako daw ay anak ng isang Batangenyo, dapat daw marunong akong uminom. At the age of 14, nalasing ako sa isang long neck na Emperador habang kainuman koa ng dalawa kong pinsan, na Batangenyo. Tulog at umiiyak ako kasama ang pamilya ko pauwi ng bahay. Lasing.
Hindi mayaman ang pamilya sa father’s side ko. Kaya minsan, talagang ayaw kong pumupunta ng Batangas, kasi kukurutin ka sa pisngi ng mga tao doon na madudumi ang kamay, papakainin ka ng kung anu-anong pagkain na hindi mo akalaing kinakain pala. Mahirap, pero dapat makisama ka, kasi family mo sila.
May pinsan ako doon, babae. Sa clan nila doon, siya na ang pinaka matalino. Kumbaga, kapag may handaan doon, siya ang laging ipinagmamalaki, pinapakanta, sayaw at pinapa-spell ng CHEF at CHOIR sa harap ng bisita. Mga litrato at medals niya ang nakasabit sa dingding ng bahay.
Noong grade 3 ako, at siya naman ay 3rd year high school, nilaban ako sa kanya ni dad ng spelling. At dahil silver medalist ako ng spelling noong grade 3, ako ang nanalo. Natalo ko ang pinsan kong high school. Buong araw, sa lahat ng taong pumapasok ng bahay sa Batangas, kinukwento yun ng dad ko. Gago. Mangilid-ngilid na ang luha ng pinsan ko, pero proud pa din ang loko.
Two months ago, nakita ko ulit si pinsan. Si pinsan na among sa clan ni dad, eh ang best among the rest na, sa Greenbelt. Nasa isang restaurant siya doon, nagtatrabaho bilang waitress. In fairness, mamahaling resto, pero ayun nga, waitress siya doon. Hindi ko siya nilapitan para kamustahin, dahil ayaw ko ng awkward moments tulad noon. Nagflashback sa akin lahat ng childhood memories namin. Ang taguan at habulan sa loob ng bahay, ang pagbili ng ice candy na akala ko noon ay masarap at malinis, ang pagswimming sa ilog, ang pagkain ng suman na talagang masarap at hinahanap ko pa din everytime may bibisita from Batangas. Lahat.
Naisip ko tulay na sadyang unfair ang mundo. Naniniwala akong magaling ang pinsan kong ito, kahit natalo ko pa siya sa spelling noon. Pero dahil sa probinsiya siya nakapag-aral, hindi equal ang opportunities na binibigay. Madami akong kilala ngayon na puro hangin ang utak, pero ang gaganda ng titulo sa pangalan. Nagloko sa pag-aaral, pero mayaman at ang sarap ng buhay.
Alam kong madami pang mas malungkot na kwento bukod sa pinsan ko, pero dahil kamag-anak ko nga siya, I could not help but feel sad. Nakapagtapos siya ng nursing, pero waitress siya ngayon. Yung mga holdaper sa Quiapo, naglalaro ng PSP, tapos siya, waitress. Iniisip ko na lang, at least, marangal ang trabaho niya. At least may trabaho siya. At least. Pero nanghihinayang talaga ako.
Alam kong kapag sa school ko siya nag-aral, mas magaling siya sa akin. Ako kasi, tamad na, gago pa. Pero ang tataas ng grades ko. Eh siya, masipag na, bobo lang siguro ang mga nagtuturo. Kasi sa pinaka-public school siya nag-aral.
Madaming hindi nabibigyan ng tamang opportunity sa mundo, isa lang dun ang pinsan ko. Kaya nakakainis minsan yung mga puro kalokohan sa buhay ang alam, hindi marunong mag-value ng opportunities, ng chances. Puro pasarap sa buhay ang alam.
Paano kaya pinapantay ng Lord ang ganitong eksena?