Sunday, January 9, 2011

One on One with Superman

Script by: Wado Siman

Hinintay ni Superman makalampas ang dalawang babae bago siya lumabas mula sa likod ng basurahan sa may likod ng Finns Avenue. Nang humupa na ang iyak ng mga ito ay agad siyang nagpalit ng damit, at umakyat sa rooftop ng apartment ni Mrs. Collins gamit ang fire exit ladder.


Nakita niyang nakasandal ang panganay na anak ni Mrs. Collins sa likod ng chimney.

"Pete?" Usisa ni Clark.

"Umalis ka dito, wala kang kwenta!"

"Paano mo naman nasabing..."

"Nakita ko yung ginawa mo kanina! Hindi mo sila tinulungan! Wala kang kwenta!"

"Ha?"

"Humihingi sila ng tulong diba? Bakit hindi mo tinulungan?"

"Ganyan ba ang inaasahan ninyong lahat mula sa akin? Ang tumulong sa lahat ng oras?"

"Eh ano pa at tinawag ka naming Superman, diba?"

"Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko, tutulungan mo sila?"

"Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong maging Ikaw..."

"Maging ako?"

"Oo, si Superman. Ikaw ang laging bida sa dyaryo, sa tv, sa radyo! Sa lahat. Sa school namin, ikaw laging pinag-uusapan."

"Hindi iyon ganoon kasimple!"

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit ka sumusuko sa responsibilidad mo ngayon..."

" nagpapakatao lang ako."

"nagpapaka-tao? Naririnig mo ba ang sarili mo Superman?"

" Noong nasa Smallville pa ako, napasakamay ako ng mga taong may ginintuang puso, tinuruan ako ng mga magulang ko ng mabuting asal. Sabi nila, kailangan ko daw tumulong sa kapwa, at huwag daw hihingi ng kahit anong kapalit."

"Wala namang mali doon ah..."

"Wala akong hinangad na iba kundi ang maging normal na tao, tulad mo, tulad ninyong lahat. Noong bata pa kasi ako ay nakakitaan na ako ng kakaibang kakayahan. Buong akala ko, normal sa inyong mga tao ang tumulong sa kapwa. Ganoon kasi ang mga tao sa Smallville, nagtutulungan. Pero pagdating ko dito sa Metro, lahat nagbago. Ang tao mismo ang gumagawa ng paraan para kailanganin nila ang tulong."

"Kasi alam nilang darating..."

"Oo, dahil alam nilang dadating ako at ililigtas ko sila. Pero hindi ganoon ang takbo ng buhay Pete. Hindi sa lahat ng oras andun ako."

"Pero kanina, andun ka, at wala kang ginawa!"

"Paano kung wala ako doon kanina? Maiisip mo pa din bang hindi dapat nahold-up yung mga babae?"

"Hindi...pero ang point ko, andun ka, at wala kang ginawa!"

"andun ka din naman kanina Pete, at ikaw, wala kang ginawa."

********







The World Stage Superstage team.


Me wearing a Superman shirt. Kasi minsan, ako si Superman. ahahah!


See you guys soon! Hello Malaysia!






Repost



I visited my old blogsite and saw this entry titled SELF MAPPING. I don't know what inspired this entry, but I can somehow relate to it at this very moment. If this is the start of a cycle, where I have to go through the things I went through before, I'd stop right here, right now. 

I'm in the middle of nowhere, again. Damn.

Here's the entry:


I came upon a map while cleaning my room the other day. I presumed it was a treasure map, the “X” mark, the trails, the danger zones, were all clear and present. I barely noticed its well-defined sketch since I was more concerned on the moldering piece of paper at hand.

Earlier this morning, I tried to work on the map. I deciphered the codes and answered the riddles that were essential for the quest. I astonishingly finished it before lunchtime. Amazed at my own mind power, I decided to reward myself with a short nap under the oak tree.

It was sunset when I woke up. I felt a strange sensation around my feet that I can barely move them from its unperturbed position. My mind tells me to cry for help, but my feet were both helpless and dead. I tried using my hands instead. I dragged myself for about twenty meters and reluctantly gave up.

The orange canvass across the sky now turned dark and misty. I reached into my pocket, hoping to find anything useful. I found the map folded thrice. I noticed that the “X” mark moved from its original position, the other drawings changed as well. The map was now filled with trees, and trees.

The “X” mark was seated right on top of the treasure chest. And from where I was lying, I noticed that the soil I’m on is different. It was softer, and moist.My instinct tells me that the treasure is right under my body, but I didn’t want to get my hopes too high.

I moved away and began to dig using my scathed hands. As I went deeper, the wounds in my hands got bigger and bigger. I was crying, but I didn’t opt to stop, not this time. I became desperate, and struggled for the treasure, for greater glory.
Three feet, and I’m still digging.

I found a small wooden box with carvings on the cover. I opened it and saw that it was empty. It was a mirror box, I saw myself looking right into it. I saw my eyes, and how perturbed they were. I saw my forehead, sweating profusely. I saw my cheeks, covered in tears of exasperation.

I clenched the box between my arms, and lied down. It began to rain. It washed away all the worries in my face. I was soaked, I was cleaned, I was shivering from the cold. I curled inside hole I made, like a baby inside a womb. I’m about to be reborn. Make this a better one!



***
I thought I wanted to change then. The change must've been a failure, since I'm wanting another change now. Ar maybe that's how things work in real life, change really is constant. 

I heard mass this afternoon, and the priest was talking about 2011 predictions. A question pops inside:

Which is a better outlook in life?

"This is how I want to live my life."

or

"This is how I want to be remembered."

In any circumstance, will these two opposing thoughts meet? If otherwise, which is more motivational? 

I want to know the answer to these questions. I know I can make a sensible one, once I am done with my soul searching by the end of the month. Take me away PPP!

Monday, January 3, 2011

A kid reads my blog

May blog ako dati tungkol sa panaginip ko na may ahas.


http://thefeverisalive.blogspot.com/2010/10/ahas-sa-panaginip-ano-ang-kahulugan.html


pagtingin ko kanina nung bagong feature ng blogspot tungkol sa COMMENTS kung saan summarized lahat ng comments ng blog mo, nagulat ako sa effort ng isang comment. Nagcomment siya sa blog ko tungkol sa ahas. Sabi niya:


pwede nyo po bang hulaan ang ibig sabihin ng panaginip ko,ang napanaginipan ko po kasi ay isang comet,nakalimutan ko na po kung nasaang lugar kami pero tatama daw samin ito,pero di daw natuloy dahil nung pagkatama nito samin bigla nlng daw naglaho tapos dun nlng ako nagising.

At eto pa po, napanaginipan ko po ang isang time machine, meron po akong relo na kapag iniba mo ang oras ay mapupunta ka sa past or future. Nung isang araw, pumunta daw po ako sa bahay nung classmate(noong grade 1 pero ngayon di na) ko, at tapos pumunta nman po ako sa past, pumunta po ako sa bahay ng isa ko pang kaklase pero hindi nya po ako kilala, bago pa po pala ako pumunta sakanila,pumunta din daw po pala ako sakanila pero nung araw na yun kilala nya po ako, tapos nung ginamit ko daw po yung time machine, di nya na daw po ako kilala. At tapos nung sinabi ko po ito sa mga kapatid ko ayaw po nila maniwala saken.Sinabi ko po sakanila na kapag ginamit ko ito, mawawala po ako sa harapan nila at babalik muli.Pero di ko na po iyon nagawa dahil baka sa ibang lugar po ako mapunta, tapos dun na po ako nagising.



Isang Miguel Canicosa ang nagcomment. Habang binabasa ko, nararamdaman kong isang bata ang nagkukwento sa akin. True enough, hinanap ko siya sa Facebook at bata nga ang kumakausap sa akin. 


Dahil diyan, ako ay nagpayo habang nasa isip ko kung anong klaseng impact ang kayang gawin ng mga sasabihin ko. Sinubukan kong maging impartial, honest, hindi pushy, at hindi nakakatakot.
 Ang sabi ko:


nakakatuwa naman ang comment mo. at maraming salamat din sa pagbasa ng entry na ito. una sa lahat, hindi po ako talaga nakakpag interpret ng panaginip. nagkataon lang siguro na pareho yung napanaginipan ko doon sa pelikulang napanod ko dati, kaya ko siya madaling naiconnect--yung pagkakaroon ng ahas sa panaginip.

magulo kasi din talaga minsan yung mga panaginip, ang bilis magpalit ng location. kaya naman paggising natin, nahihirapan tayong idikit-dikit yung mga kwentong nabuo natin sa panaginip.

maswerte ka at madami-dami ang naalala mo sa napanaginipan mo. usually kasi, sa 100 kwento sa panaginip natin bawat gabi, isa o dalawa lang ang naaalala natin paggising.

sa opinyon ko lang, at sana wag mo itong seryosohin masyado, yung mga taong napapanaginipan natin, maaaring may mahalagang tungkulin sa buhay natin. ako, personally, napapanaginipan ko madalas yung mga taong mahal ko. kasi lagi ko silang iniisip, na kahit hanggang sa panaginip, iniisip ko sila, unconsciously.

Baka yung mga classmate mo sa panaginip mo eh magiging bestfriend mo in the future, o baka naman gusto mo silang maging kaibigan kaya ganun.

yung comet at time machine naman siguro eh bahagi lang ng pagiging mapaglaro ng isip natin. dahil baka napapanood natin sa tv, sa sinehan, tapos naaalala na lang natin sila kahit tulog na tayo.

basta wag natin masyado bigyn ng malalim na kahulugan yung mga ganitong bagay. ang mahalaga, yung present. yung totoong buhay.

try mo din magdasal mabuti bago matulog. kapag ginagawa ko yun, usually, okay naman ang mga panaginip ko. =) 



***
Nakakagulat lang yung mga lugar na naaabot ng salita. Words are really powerful, written or said. Kaya dapat din maging maingat tayo sa mga sasabihin natin, dahil maaari itong ikasira, maaaring makasakit. Hindi natin alam. Kaya hangga't maari, isipin natin mabuti ang mga gusto tlaga nating sabihin bago natin ito sabihin. Para patas ang laban.


Yun lang. Ibinahagi ko lang kasi ang cute talaga!!! ahahah!



Saturday, January 1, 2011

Happy New Year

My first dangerous firework.
Or is it?

Using my Rocky. An HD GE DV1 video camera!

Happy New Year guys!