Thursday, June 14, 2012

#projectbringback fail

Today I realized that the more I try to bring back my past, the more I find myself disgusted with where I am right now. Maybe that's why it's IN the past, it's not meant to be repeated the exact same way, if it will only lead me to where I am right now, stuck in misery.

Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos mong gawin lahat para mabalik ang bagay sa dati, lalo ka lang nadidisappoint. Siguro may stage sa buhay na talagang aabot ka sa ganito, yung pagod na itataas mo na lang ang dalawa mong mga kamay dahil gusto mo nang isuko sa Diyos ang lahat.

Ayaw ko nang ibalik ang dati, pagagandahin ko na lang kung ano ang meron ako ngayon.

Nakameeting ko kanina ang buong staff ng bago kong show, hindi ko gusto ang karamihan. Yung pakiramdam na parang nagtatrabaho ka an sa ABS CBN. Hindi na magaan yung usapan sa meeting, lahat may tensyon, alam mong pinag-uusapan ka ng ilan sa likod. Nakakapagpabagabag.

Ngayong linggong ito, may dalawang job opportunities na kumatok sa aking pinto. Isa sa Singapore, isa naman ay dito sa Pinas. I'll try to apply for an internship program sa SG, hope I can make it. Para maiwanan ko na ang "past" ko dito sa Pilipinas. Handa na akong magbukas ng panibagong pahina sa aklatan ng aking talambuhay.

Salamat #projectbringback, you gave me something to believe in. Hindi ka man naging successful, narealize ko naman na may mga bagay na sadyang hindi takda para sa isa't-isa. Masyado pang maaga para sumuko, pero gagawin ko ito para sa sarili ko.

1 comment:

  1. "Ayaw ko nang ibalik ang dati, pagagandahin ko na lang kung ano ang meron ako ngayon." -- magandang perspective.

    ReplyDelete