A lot of people don't know this, but I am a cry baby. I just don't want to cry in front of people. I cried twice while watching Three Idiots, cried while watching the movie Rent, cried a river inside when I watched the play Next to Normal, I cry when I don't like what's happening, and people don't know it.
I must look really good when I cry. Lahat ng iniyakan kong tao, nagkakagusto sa akin. Si Joselle, si Ronald, si Ayie. Doon daw kasi nila nakikita ang totoong ako. Para sa isang taong iyakin tulad ko, hindi naman ito ganoon kaspecial. Sabi nga ni Ronald, kaya siya patay na patay sa akin, dahil umiyak ako sa kanya. Nakita daw niya na honest ako at nagtitiwala. Kung honest sa honest, napuno lang talaga ako nung araw nayon, at provoking ang kumag, kaya ako naiyak. Pikon din kasi ako.
I have tons of soft spots which people don't usually see. Kaya naman pag may problema sila, sa akin sila madalas tumatakbo. Hihingi ng payo, iiyak, maglalabas ng sama ng loob. May pros and cons din naman ito, this being tough outside and fluffy inside. Madali kang makibagay.
May kaibigan ako dati na laging magtetext kapag galit siya sa mundo.
"San ka?"
Bakit?
kabwiset itong si ___, kailangan ko lang ng kasama.
***
San ka?
Bahay, why?
Punta ako jan, kagigil dto sa office....
***
Mga walong ganyan niya, tapos nagtext ako sa kanya...
"Hihintayin ko ang araw na itetext mo ako dahil masaya ka."
***
After nun, puro I miss you na lang ang text niya sa akin. It's about time. Pagod na din kasi ako sa totoong buhay, sa kanya at sa sarili kong mga problema.
HEALED na pala ako.
Umattend kasi ako ng The Feast, kasama si mommy, Symon at Tita Ludy ko. Last day ng talk ni Bo about destinations, and journeys. So may healing afterwards. Sabi ni Bo Sanchez, pikit daw kami.
Inisa-isa niya yung mga problema ng tao.
"God knows about your financial problems" and so on.
Ang nasa utak ko lang nun, wala pa po akong destination, kaya hindi ko maenjoy ang travel. Kasi hindi ko alam kung saan ko gusto pumunta.
"Friend, if you want to savor life, you have to learn to enjoy the drive, not just the destination."
So hiniling ko, DESTINATION.
Biglang sinabi ni Bo, "God knows about your work problems." Tumulo ang luha ko, sa kanang mata. At biglang pumasok ang chorale sa chorus ng "I Surrender" na kanta. Pucha, kumanta ako habang nakapikit. Ninamnam ko yung intervention na doon ko lang naramdaman. Kilabot.
Dumukot ako ng 1k sa wallet ko, P300 na lang ang natira. Sabi ko, I surrender.
Niyakap ko si mommy, pati ang kapatid kong halos 5 years kong di kinakausap. It was a good day.
Feeling ko naman hindi pa ako totally healed. Sabi nga ni Bo,
"Healing your performance-oriented spirituality will take time. Everything takes time. But that's okay. Don't rush through this process. It can't be rushed anyway, even if you tried. Enjoy the drive."
Pinataas ni Bo ang kamay ng lahat ng single. Kumaway ako agad, yung iba, nahiya pa. It was a very interesting afternoon indeed.
Attend kayo ng The Feast, nakakatulong siya sa totoo lang. Sabi nga ng nanay ko, "Hindi man din ako nageenjoy sa misa, except dito lang, sa Feast. Ramdam mo yung dasal. Basta."
There you go.
Gusto kong umattend ng The Feast. One Sunday, I will.
ReplyDelete