Kanina ang pinakamatinong usap namin ni Reynard over coffee. Nakwento ko sa kanya ang mga problema ko sa trabaho, ang gusto kong gawin sa future, at pinayuhan naman niya ako. Sabi niya, mas okay daw kung maging teacher ako kesa magtrabaho abroad sa ad agencies. Nakakamiss ang ganitong usap.
I remember way back college, puro ganito ang usap namin sa barkada. Kung saan kami magwowork, buhay after college, mga ganun. Usually, sa coffee shops namin ito ginagawa ng barkada. Sadly, binago na ng work ang appeal ng coffe shops sa akin. Meeting place na ito, brainstorming, preprod. Kaya naman namiss ko ang small talks sa kapehan.
Tinawagan ako ng past ko kanina, nangamusta. Mga dalawang beses ko yatang tinanong kung anong kailangan niya sa akin. Sabi niya, wala, nangangamusta lang. Usually, tumatawag lang naman yun kapag may kailangan, so nakakapanibago. Nakakapanibago din na hindi ako kinilig sa tawag niya, kahit konti, wala na. Nakakapanibago din na tumawag siya, kasi usually, text lang kami nag-uusap. Wala na talaga.
Nakakalungkot din pala yung ganun. A love so great, posible palang mawala. Akala ko kasi dati, yun na yun. Ang greatest love affair ng buhay ko, hindi pa pala.
Kaya naman habang kausap ko siya sa phone, kumanta si Adele sa utak ko. "Nevermind I'll find someone like you...." Makakahanap din ako ng taong magiging honest sa akin, magtitiwala sa kakayanan ko, magpaparaya kapag may sumpong ako. Makakahanap din ako ng bagong yaya, este, bagong inspirasyon. Naks!
Tulad na lang ng paghahanap ko ng makakapartner sa Amazing Race. Eto ang mga nasa shortlist:
JURRIE: Taekwondo team ng UST. Pwede kaming athletic duo. Kaso pareho kaming duwag sa ipis.
JUNJUN: Swimming instructor, game sa lahat. Kaso pikon. Baka magkainitan lang kami ng ulo pag naligaw.
REYNARD: Mahusay sa directions. Sobrang competitive nga lang. Baka kami i-hate ng manonood tulad ni Marlon sa unang Survivor ph.
COOKAI: hindi mareklamo pero kulang sa physical strength.
JEMAE: maganda at matalino. Kaso walang dugong adventurer sa katawan. Med tech kasi.
Pangarap ko talagang makasali dito sa Amazing Race. Nagpaalam na ako sa boss ko na kung sakaling magkakaroon ng auditions sa TV5, at bawal ang mga employees, I will resign. Seryoso.
Ayun lang. Bored nako sa buhay ko.
May bago pala akong show, ako susulat neto! Watch out!
No comments:
Post a Comment