Monday, February 8, 2010

My Blueberry Nights

Kanina, nirequire kami manood sa Lit at gumawa ng paper tungkol sa movie na My Blueberry Nights na pinagbibidahan ni Norah Jones. Art film pala siya, pero mainstream ang dating sa akin, o baka naman dahil LOVE ang tema, eh naka-relate na ako sa kwento.

SIYA: Hindi mo ba siya talaga trip? Maganda naman siya ah!

AKO: Hindi eh. Awkward na nga sa school pag nagkikita kami. Yung tipong hindi ko na alam ang sasabihin ko, alam mo yun?

SIYA: Nako, edi wag ka na lang magpakita ng actions na parang gusto mo siya. Gets? Kasi, ikaw yung lalabas na jerk. I hate boys who are jerks pa naman. (laughs)

AKO: Ano gagawin mo if you were in my position?

SIYA: Sinabi ko na diba? Hindi ako magpapakita ng motive na gusto ko siya. Better yet, lumayo ka na lang.

AKO: Parang ang sama nga nun. So kung sabihin kong type kita ngayon, pero hindi mo ako type, lalayuan mo din ako?

SIYA: Seryoso ka ba?

AKO: Siyempre hindi.

Pero sa loob-loob ko, nag-isip din talaga ako. ito siguro yung tinatawag nilang Pre-valentine syndrome kung saan lahat ng babae sa mundo mo ay nagkakaroon ng malalaking boobs, tumatangkad at bumabango sa paningin mo! Ang galing. Pakiramdam ko tuloy, ako si Shallow Hal. Ahahahah.

Wado to Puso: Umayos ka gago! Epic fail ka lagi pagdating sa gayang usapan.

Puso to Wado: Boss naman. Living one day at a time tayo diba? Carpe Diem!

Wado to Puso: Bahala ka nga jan.

______


It's hard to say goodbye to the person you can't live without. ---My Blueberry Nights

2 comments:

  1. Ang masasabi ko lang diyan: sanayan lang iyan. Lilipas din ang V-day. haha

    ReplyDelete
  2. kailangan pa bang hintayin ang VDAY para marealize natin na malungkot ang maging single? ahahaha

    ReplyDelete