Sunday, February 7, 2010

February plot ni Wado

Madalas, tinatanong ko ang sarili ko, ano ba talaga ang gusto ko mangyari sa buhay? Nagmumukha tuloy akong tao na pinapasok lahat ng bagay, pero wala namang goal. Lahat na halos ng goals ko, short-term, magpapayat para sa beach, mag-ipon para sa ganitong lakad, mag-aral para sa quiz bukas. Nakaklungkot na nakaka-praning dahil ganito ako mag-isip nitong mga nagdaang buwan.

Siguro, pinapatunayan ko lang yung header ng blog site ko na "living one day at a time". Wala naman talagang masama sa ganitong pamumuhay eh. I get by. With a smile on my face and love in my heart. Naaappreciate pa din naman ako ng tao, at nakkukuha ko naman ang mga gusto ko. So bakit ko kailangan magbago?

One time, nagkwentuhan kami ng tropa ko tungkol sa buhay namin pagkatapos ng graduation, natuwa ako nung nalaman kong hindi pala ako nag-iisa sa pagiging uncertain after grad. Isa lang ang hiling kong matuloy, at iyon ay ang soul searching ko sa Thailand tulad ni leonardo sa The Beach.

Mawawala ako ng isang buwan at mamumuhay doon na parang turista, gagawa ng kwento, makikipagkaibigan, magsasaya, bago ako magsimulang magtrabaho. Kung may isa akong pwedeng isama, sana si kuwan. Kasi hanggang ngayon, naniniwala akong hindi ordinaryo ang pagkakaibigan namin. At siya yung tipo ng tao na gugustuhun mong kasama kapag naligaw ka, o nasa isang bagong lugar.

Lately, naging concern sa akin ang isang kaibigan dahil sa pagiging open book ng buhay ko. Makwento kasi akong tao, pati past ng pamilya ko, hindi daw ako nag-aalinlangan ikwento. Nagpapasalamat ako sa awkward face niya na sa tuwing magkukwento ako ng tungkol sa buhay ko, dahil takot siya na baka hindi tulad niya ang lahat ng tao na makakaintindi. True enough, he understands. Kaya naman para ko na talagang kapatid ito. Kung pwede lang ang switch, matagal ko nang ginawa. Ahahahh!

May nakita akong couple nung isang linggo, at nainggit ako. Ang mature kasi nila na ewan. Kahit bata pa sila (for me), ang mature na nung handle nila sa buhay. May usapan pa nga na pupunta daw sa bahay nung tita nung isa dahil makikipagkwentuhan lang. Basta, ganoon ka-close ang pamilya ng isa't-isa. Inggit ako, yun lang.

Nalungkot naman ako para sa isang couple na kilala ko na halos limang taon na silang Sila, pero nagbreak na ata. Sila pa naman yung couple na akala kong magkakatuluyan na hanggang simbahan. Sabi ko nga sa kanila, ako ang number one fan nila, and I told myself na kapag naghiwalay sila, ewan ko na lang kung ano ba talaga ang true love. At ngayong hiwalay na ata, nagsimula na akong magtanong tuloy. Epal.

Kaya naman, ayaw ko nang maniwala sa love na yan. Lalo na pagkatapos kong manuod ng Paano na Kaya. Lalo akong nawalan ng libog to fall in love. Ahahahah! Nakaka-walang gana! Sakit nung ulo ko pagkalabas ng sinehan o! ahahah! Wag panuorin!!!

Dahil ba sa Velntine's Day kaya ako binabalikan ng mga dati kong minahal? Napansin ko lang, lahat ng past ko, including yung mga walang commitment, fling lang, tumetext at nagpaparamdam. Galing! Biglang fumefacebook, text, makikita mo sa mall, basta! Very cosmic ang mga pangyayari, na parang may message na gustong sabihin si Lord! ahahah!

So tanong ko pa din, handa na ba akong gumawa ng long-term goals? Siguro hindi pa. Pag naging kami na ni ano, bakit hindi. Sabay kaming gagawa ng goals. Ahahahah! Pero kailangan ko muna siyang makita, obserbahan ang puso ko kung titibok ba, tapos planning. Family planning. Nyak! ahahah!

4 comments:

  1. Mag-Thailand ka na nga bago magtrabaho. Ibang-iba ang mundo ng 'real world.'

    At talagang may galit ka sa Paano na Kaya? Naiintriga tuloy akong panoorin. hehe

    ReplyDelete
  2. wag talaga! wag mong panoorin! ahahahah! hinihintay na nga ako ng mga Tahi friends ko dun eh! nakakaexcite!

    ReplyDelete
  3. katawa po ito sir! =) nice entry!

    ReplyDelete
  4. Ako may crush na Thai! ahahaha

    ReplyDelete