Pagkagising ko kaninang umaga, may tapal na super laking salonpas na gel sa batok ko, masakit pa din ang leeg ko. Natulog ako sa lazy boy sa pag-asang hindi na sasakit ang leeg ko after nung hilot ko kahapon, pero sadly, kasing sakit pa din.
Tumawag yung tita kong madre, may pinapagawang tarp sa akin para sa misa de gallo mamayang gabi.
"Tita, super sakit pa din ng leeg ko eh."
Pero mapilit siya, at wala akong choice kundi pumunta. Kailangang kailangan na din daw kasi talaga nila nung tarp ng pasasalamat sa lahat ng dumalo noong simbang gabi. Nahirapan akong magtype nung una dahil kailangan kong yumuko para makita yung characters sa keyboard. At hindi sila madaling i-please. So may ilang revisions akong ginawa.
Anyway. 45 minutes after, natapos ko din ang pinapagawa nila. Tinawag ng tita ko ang isa pang madre, na hindi marunong magtagalog. galing ata ng China pero mukhang Vietnamese. Magaling daw siyang mag acupuncture, at mukhang matutulungan ako sa stiff neck ko. Natakot ako.
"tutusukin po din ba ako ng needles, ganun?"
Pero hindi. Nagpakuhua siya ng GSM (yung bilog), at posporo. lalo akong kinabahan nung nakita ko na yung madre. Maliit at kailangan, english ang salita. Nilagay niya yung GSM sa isang bowl tapos sinindihan. Nakita kong hinahawakan niya yung gin para i-check kung mainit na. Nung hindi pa, sinindihan niya ulit.
Pinatanggal niya yung shirt ko, tapos pinaupo. Pagkatalikod ko, narinig ko na lang yung tunog nung apoy na parang "swoooosh" tapos naramdaman ko yung init sa likod ko habang yung lamig nung gin eh tumutulo sa balikat ko. Habang tumatagal, lalong tumitindi yung init.
Natakot ako na baka wala na akong buhok pagkatapos nung ritual. Pero dapat pala, mas natakot ako sa gin. Kasi, mainit talaga!!!! Hinahawakan ko na yung damit nung tita kong madre sa sobrang init.
"ano ka ba naman, para apoy lang yan."
Alam mo yung feeling ng torture na masarap? ganon! Kasi konti-konting nawawala yung pain. After nung ritual, seryosong nabawasan yung sakit. Hindi pa completely nawala, pero relief mula dun sa sakit nung una.
Sabi nung Chinese nun, may malaki daw akogn "snake" sa likod. yun daw yung term para sa ugat na ewan. HAahah! Dunno. Hindi ko makausap dahil nahihiya ako dahil nakahubad ako sa harap ng mga madre, at dahil nagrereklamo ako sa sakit eh ang laki kong tao. Hahah!
Anyway, ngayon eh medyo gumanda na ang araw ko. I went to my suki barbero sa Lucena for my haircut. Medyo mohawk na kalbo. Then DVD marathon ng mga chick flick. She's the Man, Raise Your Voice and Uptown Girls (in memory of Brittany Murphy).
So far, ggumaganda ang daan patungong pasko ko. Ngayon, I'm watching American Idol marathon sa Star World while waiting for the Christmas mass tonight. We still have yet to plan for tomorrow.
Merry Christmas everybody!
Hug and kiss your family for me!
Remember that Christmas is not about the gifts or the food we feast, but the birth of our saviour, Jesus.
Happy Birthday, Jesus! Thank you for all the blessings!
No comments:
Post a Comment