When I went to check my Friendster account just now, ang dami kong nakitang pagbabago. Nakita ko na yung status ko eh In a relationship pa din, ang dami kong invites, messages tungkol dun sa Ego City na ewan (game ata sa Friendster), and mga lumang pics.
Pero on the brighter side of things, nakita ko na bago na ang itsura nito, mas maaliwalas and interactive, parang Facebook. Kung lahat ng cool friends ko eh nasa Friendster pa, mas gagamitin ko yun kasi nga, ang sarap tingnan. Kaya pala mukhang familiar yung donuts sa Krispy Kreme, kasi yun yung smiley sa bagong Friendster. Fun!
Nung tiningnan ko yung mga albums ko, eto.
Akalain mong puro pics pa namin ni Cams ang nandun! Hindi na talaga ako nag-uupdate! ahah! Kaya naman lahat ng mga friends ko tuloy sa Lucena na addict pa din sa Friendster, akala eh happy pa ang lablayp ko. =) Hahah! Happy pa din naman, ang pag-ibig ng mga kaibigan. Yis!
Anyway, sa pagtatapos ng Pasko, eto ang litrato ng kakaiba naming Christmas tree, may isang malaking orange plant sa gitna. yun na ang decoration.
(sorry naman sa palabas, pero pinapanood namin kagabi yung kwento ni manay Gina de Venecia sa I Survived, nung namatay yung anak niya na si KC nung nasunog yung bahay nila. Kalungot. Pero she survived! galing!)
Ewan, pero eto na ang pinaka-maangas na tree na nakita ko ngayong taon. Yung ibang nakita ko, super sa ilaw, sa ornaments, na hindi na nabibigyang pansin yung green color nung puno. Siguro, pinapakita din nito yung simplicity ng mom ko sa lahat ng bagay. Na kahit hindi na kami masyadong nagtitipid sa buhay, eh hindi siya nakakalimot magtipid. =) That's what I love about my mom, marunong lumugar. Hindi nakakalimot tumulong sa mga deserving tulungan, lalo na this time of year.
Anyway, pinasalamatan ko ang mom ko by getting her a pair of Flojos. Matagal na kasi siyang naghahanap ng slippers na malambot, gumagastos ng 2k sa slippers, eh ang dali naman masira. Buti naman at happy siya that I introduced her to Flojos. Yun na daw ang gagamitin niyang brand forever. Yey! I made her happy!
I visited an old friend kanina lang, catching up kami the entire day tomorrow watching MMFF. Yun yung bonding time namin eh, movieeees!
Ayun, just updating, parang Friendster, nag-update ng sobra! =)
Happy Holidays again! Hindi na masakit leeg ko, konting konti na laaang. Sana bukas, wala na! =)
Love you Lord! =)
No comments:
Post a Comment