Tuesday, September 22, 2009

Impluwensiya

Madali akong maimpluwensyahan nitong mga nagdaang araw.

Miko: "Wads, yosi tayo."

Ako: "Game."

Madali akong bumigay nitong mga nagdaang araw.

BJ: "Pre, pa-Dairy Queen ka naman."

Ako: "Sige."

Madali akong utusan nitong mga nagdaang araw.

Cookai: "Wads, AVP head ka sa CASA G.A. ah?"

Ako: "Sige."



---

Pansin ko lang, lahat ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw, tinatanggap ko lang. Dahil siguro masaya ako, kaya ganito.

Kaninang umaga, may naka-chat akong isang kaibigan.

(part deleted)

SIYA: Hanggang dito na lang ba tayo?

AKO: Ayaw mo?

SIYA: Gusto. Pero diba mas maganda kung may something more?

Natahimik ako. Nagulat. Hindi ko inaasahan. Lumamig buong katawan ko, nanginig ang mga buto ko. Hindi ko talaga inaasahang manggagaling sa kaniya yung mga salitang ito.

AKO: Loko!

Pero ang totoo, pinag-isipan ko ang sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag, pero nasanay akong sumasang-ayon sa lahat nitong mga nagdaang araw, nahirapan akong hindi pagbigyan ang hiling niya. Siguro, hindi ito basta-basta.

Natapos ang usapan, mukha akong nagpapaasa.

SIYA: Text o tawag ka lang ha?

AKO: Sige. Ingat.

Sa isip-isip ko, masyado pang maaga para sa ganito. Naisip ko, masyadong magulo itong papasukin ko. Naisip ko, sino ba naman ako para palampasin ang pagkakataong ito. Sa isip ko, magulo. Iniisip ko, parang ayaw ko na gusto.

Sa huli, alam kong ayaw ko. Iniisip kong hindi ito totoo. Dadasalin kong panaginip lang ang lahat ng ito. At sana bukas paggising ko, balik sa dati ang buhay ko.

RANDOMS

2 comments:

  1. I like it...
    hehehe... nag-browse lang ako knina sa site na to... and yun nabasa ko to...
    san ka po nag-college?

    ReplyDelete
  2. actually, I'm still studying. UST. =) Thanks for the comment!

    ReplyDelete