Thursday, September 10, 2009

090909

Naka-ilang backspace na ako. Select all tapos delete.

Hindi ko alam kung paano isususlat o ikukwento.

Kinakabahan akong malaman ng tao, kinakabahan akong isipin sa sarili ko.

Kung pwede sana, ayoko. Pero sa tingin ko, dapat talagang ganito.

Nakakabitin.

Pero wala yun sa tagal, kundi sa dahilan kung bakit ito nagtagal.

Naging masaya tayo. Ako, aminadong natuto.

Salamat sa iyo, dumating ka sa buhay ko.

Ako'y nabago, sa atin ako ay saludo.

Sana okay ito.

Salamat sa iyo. Salamat at naramdaman kong minsa'y minahal at nagmahal ako, ng totoo.

No comments:

Post a Comment