Pinagmasdan ko ang pikit mong mga mata,
Sa iyong mukhang nakatuon sa aking balikat
Pinagmasdan ang sinag ng ilaw sa poste,
Dumadampi sa maamo mong mukha.
Anino ng mga ulan sa may bintana,
Mistulang luha sa pisngi mong sutla.
Ang iyong labi na tikom sa pagkakahimbing,
Ng iyong idlip na sana’y masilayang muli.
Isa ka sa magandang nangyari sa buhay ko, sabi ko sa sarili,
At saka pumikit nang din, sa piling ng irog kong himbing.
Wednesday, April 22, 2009
Friday, April 10, 2009
The Friday was actually Good
Well, in two days, babalik na ako ng Manila. To resume my internship sa SAGA, and to look for a new place to stay. Pupunta ako ng Metrowalk to inquire sa MetroDorm ng Monday, before I go to my OJT. Malapit siya sa SAGA, and maganda yung lugar.
I hope I won't eat lunch by myself again, nakakainis. Nakakalungkot. Kaya bumibili ako ng yosi para hindi magmukhang kawawa while eating alone. Sana may maganda pang mangyari sa OJT ko kahit nararamdaman kong wala talaga. Susubukan kong magpasa sa ibang companies by Tuesday siguro.
Gusto ko na talagang mag gym! Walastek na taba itong bumabalot sa katawan ko! Sana, kung may malapit na gym sa Metro Dorm, I will inquire na din! Para naman sulit ang stay ko doon, and within the area na lang din ako hahanap ng OJT site. Hahaha!
WHole day, nasa bahay lang ako. Na-experience ko na din ang "Siesta" time na mahigit isang dekada ko nang inaasam! Other than my huge fight with Symon, okay ang stay ko sa Lucena.
May bonding time kaming PPDudes sa Lucban.
May Bisita Iglesia kami ni JC and DVD sa bahay.
May bago at maganda akong tarp na nagawa for mom.
I cooked for my family.
Masaya siya as a whole, pero kung pipira-pirasuhin, sakto lang.
Hello Manila! Surprise me!
Thursday, April 9, 2009
Will you look at that!
I found this picture while browsing Angie's site, and I think this one looks really cool!
Hey! I'm a camera person!
Monday, April 6, 2009
Isang love Story
Nangingilid ang mga luha sa mata mo noong gabing yon, di mapakali at di makapagsalita. Tahimik nating pinagmasdan ang tawanan ng mga tao sa paligid, ang pagdaan ng itim na mga ulap sa bilog na buwan, ang pagtatampisaw ng tubig sa fountain ng Quadri, habang nasa ginhawa ng payong na nakasanayan nating tambayan.
Kinapa natin sa dilim ang daan papalabas ng school. Pinagpatayan na tayo ng ilaw ng mga guards na kadamay natin sa tuwing ginagabi ng uwi. Curfew daw, sabi ni kuya. Tumigil ako sa tapat ng AMV, ramdam ang bigat ng iniwanang salita sa ilalim ng payong. Hinawakan mo ang kamay ko. Sa isip ko, ngumiti ako, pero hindi ko iginalaw ang aking mga labi. Ayaw kong mahalata mo na masaya ako, huwag muna, sabi ko.
Pinaikot mo ang usap, sinimulan mo sa isang tanong.
Binalik ko sa iyo ang tanong.
Bagamat pareho tayong sigurado sa kahahantungan ng usapan, hindi pa din tayo nagpahalata. Pero alam natin sa isa’t-isa, hindi tayo ganoon kagaling magtago ng nararamdaman. Hindi tayo magaling na mga artista, hindi sa ganitong pagkakataon.
Ilang minuto pa ay napalitan ng ngiti ang kaba sa ating mga labi. Bumigat ang mga sapatos natin at lumayo ang gate ng Espanya. Dumagdag ng sampung palapag ang overpass at tila lahat ng Project 2 & 3 na jeep ay ayaw magpasakay. Sa waiting shed, pinalipas natin ang oras na dati ay minamadali at nilalamangan lamang.
Sa kabila ng lalim ng gabi, pumunta pa din tayo ng Morato, para sa cake ni lola, na may buhok. Ginawang treadmill ang kahabaan ng mga kalsada doon. Ginawang tanglaw ang ilaw ng kotse, at sinayawan ang busina ng mga ito. Atin ang gabing iyon. Hindi malimos ng mga bata, not now, sabi ko.
Bukas, sa isang araw, sa isang buwan at sa dadating pang mga taon, tulad ngayon, nararamdaman ko’y patuloy na lalago. Salamat sa pagdating mo Barns, binago mo ang mundo ko. Kasama mo ako sa lahat ng paglalakad, ng pagtawa, pagkain, panonood ng DVD, pagsayaw. Pero hindi tayo iiyak, wag sana. Pero kung kailangan, bakit hindi? Kung para sa Marley and Me, sige.
Heppy Two Hun! I loves yer! =)

Sunday, April 5, 2009
Life Scale
Well, for the past couple of days, I've been through a lot, mentally. Iniisip ko kung ano ba talaga ang purpose ko sa buhay. When I thought I had the perfect family, isa-isang lalabas ang problema. Akala ko, okay na ang decision-making processes ko sa buhay, biglang may sasablay.
Kahit hindi ako panganay, I feel the burden of putting my family together. Everytime umuuwi ako ng Lucena, I have to find ways para may family time kami lagi. Like eating breakfast together, going on a family trip, kahit videoke time, pinapatulan ko minsan, para lang may ginagawa kami as a family.
I miss the times when we would sit as a family, sa QC circle, then mag-bike, eat sandwiches. Gumigising kami ng maaga para sa picnic na yun. How I wish life for us would be as simple as before. Pero ngayong madami na kaming alam, yung involvement ko bilang anak, grows deeper. Now I'm facing responsibilities na hindi ko kayang paghandaan.
Minsan, gusto ko na lang magpakalayo sa pamilya ko. Sa ibang bansa sana. To show how much I love them. That I don't want to see them go about things this way. Ang mga bagay na pinoproblema nila, tinatawanan ko lang kapag sa akin nangyari. I hate to put words into my family's mouth, pero sa tingin ko iyon ang kailangan nila, to understand how simple it is to find happiness.
People ask me, bakit hindi nila ako nakikitang umiyak sa mga problema? Bakit madaming lumalapit sa akin to share their stories, iiyak sa akin sa telepono, dahil alam siguro nila na I won't be crying with them. Instead, I'll listen. Calm enough to give an advice. Nakakagulat, na ang mga lalaking hindi ko inaakalang iiyak, in the middle of the night, they'd call me and cry about their problems.
Paranoid ako sa madaming bagay. I couldn't leave a knife on top of a table, wet floor, candles burning in the middle of the night. madami akong kinatatakutan, because I see things in their worst state possible.
Hindi ko alam kung nakakatulong ito sa pakikitungo ko sa tao, pero alam ko na kapag dumating ang oras na iyon, hindi ko masasabing hindi ako handa.
I wouldn't wish on anyone a thought parallel to mine. Nakakapraning. But on the one hand, mas ginugusto kong i-live ang life to the fullest, dahil anytime, maaaring hindi mo na ito magawa at all.
I fear for my little brother though. Dahil sa 16? years of existence niya sa mundo, hindi ko pa siya nararamdaman. In my full geared effort to be a big brother to him, hindi ko maramdaman ang reciprocated feeling. Nakakapagod mag reach-out, lalo na kapag hindi naman niya inaabot ang kamay mo. Frustrating. Gusto ko siyang maging ka-close, pero circumstances make it difficult for the both of us. Konti na lang, para na siyang si dad.
I don't want sympathy from people. It's bad enough that I have to deal with the most difficult people in the world, and it's even worse that they are family. Kung hindi ko sila pamilya, mas madaling umiwas. This family suffered from too much love. Not knowing when is the right time to give back, beg, and offer unconditional love. Dahil mahal namin ang isa't-isa, hindi mapansin ang mali. Dahil sobrang mahal namin ang isa't-isa, kinakailangan ng mahigpit na disiplina.
It's ironic na sa ganitong klaseng love ako lumaki, and yet, the love I'm giving away is unconditional. Yun nga lang, nagtitira ako para sa sarili. Kaya siguro ako masaya, by myself. But then again, will I find true happiness if the people I love are sad? Maybe not. Maybe never. Dahil alam kong hindi lahat ng tao, optimistic. Madaming pabigat, madaming whiny, madaming mareklamo. But as long as may natitira akong happiness sa sarili ko, I think I can manage.
*I'll give myself a good pat in the back for this. =)

Subscribe to:
Posts (Atom)