Nakakatakot yung mga nababasa kong article recently tungkol sa #hell, #endoftheworld, #secondcoming at kung anu-ano pa. Sabi dito sa testimony of hell (click niyo kasi link yan dun sa article), totoo daw ang hell at malapit na nga daw ang end of the world.
Habang binabasa ko yung article, puro "oo" ang sagot ng isip ko. Kung paano kinukwento ni Angelica ang itsura ng hell, ganoon din yung iniisip ko dati sa mga kwento ni mommy, tita, teacher atbp. Madaming apoy, mabaho, tinotorture yung mga tao. Kaya naman hindi ako masyado nagulat habang binabasa ko. Mas nagulat ako sa fact na nakalimutan ko na kung gaano ka-scary yung scenario sa hell. Nakakatakot kasi nalimutan ko na sa sarili ko na ayaw kong mapunta doon, at gagawin ko lahat para mapunta sa heaven. Yan yung goal ko noong bata ako, ang huwag maranasan ang apoy ng impyerno.
Ang goal ko na kasi ngayon, makahanap ng trabaho na makaka-appreciate sa talent ko.
Sabi din sa article, nasa hell daw si Pope John Paul II. Hindi daw kasi siya naniniwala sa hell noong buhay pa siya, kaya siya nilagay doon ngayon to experience it. Mas natakot ako. Kasi, wala pa ako sa kalingkingan ng kabanalan ni Pope, pero nandoon siya, nagdurusa. Kasama din daw niya si Michael Jackson at si Selena na nagmamakawang huwag daw kantahin ang mga kanta niya, dahil may sa-demonyo ito. At ang itsura pa daw niya sa hell ngayon, kumakanta habang tinotorture. Sabi kasi, kung ano daw yung huli mong ginagawa bago ka mamatay, yun ang gagawin mo sa hell for eternity. Kaya si Selena, kumakanta ng Dreaming of You doon habang tinutusok ng spear, inuu-uod at tinotorture.
Inisip ko tuloy, madaming rason para mapunta sa impyerno. And most of the people I know, doon din pupunta. Naisip ko din naman na maaaring propaganda ito ng Christians to switch sa faith nila. Kasi, sa article, galit si Lord sa mga saints, sa pari, dahil they promote idolatry. Hindi daw sila makakapagligtas ng tao, kundi Siya, Siya lang. Naniniwala naman akong Siya lang ang may kaya, but these saints will lead the people to Him, in heaven.
Ito kasi ang turo ng simbahan ko, at ito ang kinalakihan ko.
Habang naglalakad ako sa Singapore over a month ago, may lumapit sa aking Born Again. Sinabi niya na hindi daw ako makakapasok sa langit unless I get rid of my evil sins. Ito daw ay ang original sin nina Adama nd Eve na matatanggal lang kung ipapanganak akong muli. Hence, Born Again. Gusto ko talagang makapasok sa heaven, sino ba namang ayaw. Pero naiinis ako kung umaabot sa ganitong extent ang religion para impluwensiyahan ako. And it's starting to become scary.
Akala ko, sapat na yung pananampalataya ko, ang pagtatawag ko sa mga santo kapag nalalagay sa peligro. Akala ko, sapat na yung takot ko sa hell, at ang matibay kong pag-aasam sa heaven. Akala ko, ang pakikinig sa salita ng Pope ang makakapagligtas sa akin, pero kung nasa hell pala siya, kanino na ako dapat makinig? Baka ika-peligro pa ng buhay ko, este ng buhay ko sa kabilang buhay, ang pagsunod sa mga payo niya.
The end of the world is scary, and I'm no angel. I say bad things when I am mad, I do bad things everyday. But at the end of it all, I pray, apologize, give thanks, talk with Him. I don't feel guilty not going to mass every Sunday, because I have issues with priests, and the money from the mass collection. Ahahah! But I listen to Him whenever I think I need guidance. I talk to Him when I am down. I talk to Him when I am happy. It's like having a dad I never had.
I don't know whom to believe anymore. Maybe it was never about the words during the homily, because priests can only say so much. As far as I know, and as far as I will ever be, it's just Him and me until the end. I only get one shot at this life, and I won't have it any other way. I'm a Catholic, and I believe my saints. I'm a Catholic and I might not be praying everyday, but when I do, I'm pretty sure I mean it. I love my Lord, and I am sure He loves me too.
RANDOMS
Friday, May 13, 2011
Wednesday, May 4, 2011
Hospital
until when will ******* be at the hospital? any idea?
uhmm.. I'm really really not sure. I'm not allowed to visit him. cause he's really depressed
yeah, I went there on his second day. so visiting him wouldnt worsen his case?
They said i'm gonna cry as in super. Cause like he's saying everything as in all.
i almost didnt believe at first. he did most of the talking during our visit. and he was writing a lot too. well, i think we just have to be strong for him. goodnight *****, see you soon!
Yes, yes. we have to be strong. i really miss him. okay! see ya!
***********
Minsan, mas nakakaiyak pa ang nangyyari sa totoong buhay kesa sa pelikula. Mas madrama, mas intense, siguro dahil hindi scripted.
Nakita ko ang pelikula mo, at hindi ito dito nagtatapos. Kapit lang, malapit na ang resolution mo. Sasamahan kita sa happy ending. Be strong, we'll be praying for you.
Subscribe to:
Posts (Atom)