Sunday, April 24, 2011

Ang Tunay na Magaling

Kung noong unang panahon, sina Einstein at Thomas Edison lang ang magaling, ngayon, hindi na. Siguro dahil na din sa technology kaya pakiramdam nung iba, magaling sila. Wala namang masama kung isipin mong magaling ka, as a matter of fact, makakatulong ito sa confidence, morale, at lahat-lahat na sa pagkatao mo.

Sabi nga nila, what you want to be, do and you shall be. Okay, imbento ko lang yan, pero malapit na yan dun sa gusto kong sabihin. I-claim mo kung anong gusto mo maging, at magiging ikaw yun eventually. Siguro may Law of Nature aspect ang bagay na yan about claiming, kasi more often than not, nagkakatotoo. Kumbaga, yan yung stepping stone, the push in the law of motion, the nori in maki, the A in the A-Z.

Hindi ako sanay magpatalo. Actually, jan ako nakilala, bilang "ang taong laging tama". Kung may pelikula ako, yan ang pamagat, Wado: Ito ang Tama". Kahit siguro mali, dahil na din sa pride at matinding paninindigan, ginagawa kong tama.

Kaya naman nakikipagtalo ang isang tao, kasi may point siya na VALID to begin with. Hence, the argument. Ang nakakaaway ng mga taong may VALID points ay yung mga tao na OPPOSITE ang VALID points. PEro hindi naman yan ang catch ng blog ko, kundi eto. Nahihirapan na akong ihiwalay ang tama sa mali, kasi wala nang nakikinig sa mga payo ko.

Hindi ko pala na sabi, pero yan ang role ko sa barkada ko dati, ang tagapayo. Kinuha na nga ako ng Face to Face para itabi sa Trio Tagapayo, tumanggi lang ako. Kapag may problema, kahit matigas na lalaki, umiiyak sa akin. Kaya naman ang taas din ng tingin ko sa sarili ko dati. Pero dahil ang mga taong ito ay tumatanda na din, nagsisimula na silang kumontra sa mga paliwanag ko na dati naman ay sinusunod nila.

Ganito siguro ang pakiramdam ng mga magulang kapag nagsisimula nang sumagot ang mga anak nila ng pabaral. Ang pakiramdam ng mga teacher ng college na pinipilosopo ng estudyante nila.

Noong bata ako, lahat ng sabihin ng magulang ko, akala ko tama. Kahit ang pamamalo ng tatay ko, akala ko tama. One time, pinag-aawayan namin ng kapatid ko ang ice candy. Imbes na ituro ang value of sharing, tinapon na lang niya para wala daw kaming pag-awayan. Values from my dad. Akala ko ay tama.

Pagdating ko ng high school, doon ko narealize na karamihan sa tinuturo niya ay mali, VALID para sa kanya, pero mali. Doon ako nagsimulang sumagot pabalik sa kanya, bumaba ang tingin ko sa kanya bilang tao dahil pinilipit niya ako sa mga bagay na mali naman pala *para sa akin.

Noong nag-mature ako, ayaw ko nang makinig sa opinyon ng ibang tao. Akala ko kasi, alam ko na kung ano ang tama sa mali. Kahit nga simbahan eh, sila na ayaw sa RH Bill, pakiramdam ko ay mali. Mga payo ng ibang tao, hindi ko sinusunod, kasi alam kong mas kilala ko ang sarili ko at mas alam ko kung ano ang tama o mali. Ganito na din kaya ang ibang tao towards sa akin?

Eksena:

Wado, tulong. Mahal ko pa siya, pero may asawa at anak na. Mahal daw niya ako, basta secret lang daw ang relasyon namin.

Okay, hiwalayan mo. Sinisira mo ang pamilya nila. Hindi true love yan, libog lang. Ikaw ang masama sa set-up na ganyan.

Ano ba ang alam mo sa love?! Bata ka pa, madami ka pang dapat matutunan. Hindi kami puro libog no! Love yun para sa akin!

END OF CONVERSATION

Mahirap makipagtalo sa taong may desisyon na sa una pa lang. Walang point kasi kahit anong mangyari, ay papanindigan niya ang desisyon niya. Ngayon, eto ang dilemma ko. Bakit ko ito naiisip, ang main thought na ito in general?

A. Dahil ba takot ako na wala nang makikinig sa akin, at hindi na ako powerful tulad dati?

B. Matalino na ang tao, at kaya na nila mag-isip para sa sarili nila? At hindi na mahalaga ang opinyon ko?

C. Wala nang genuine concern sa mundo, lahat may biases na.

D. Patay na ang taong makakapagsabi kung ano talaga ang totoong tama at mali.

Hindi ko pa din maisip kung ano ang sagot, pero ayaw ko na din malaman. Sino ba ang makakapag sabi kung ano ang totoong sagot sa mga bagay na yan? Eh kung sa opinyon ko ay madami lang talagang nagmmagaling sa mundo kahit hindi pa naman dapat. Madami na ang ganyan sa mundo actually, yung mga accountancy graduate na nanlalait ng editing ko, yung mga taong genuinely na bastos in their own right pero galit na galit kay Willie, PA na nag-uutos sa kapwa PA dahil self proclaimed senior PA na daw sila dahil sa tagal ng panahon, yung mga mahihirap na galit sa mayayaman dahil madamot daw sila, yung mga residents ng Gawad Kalinga sites na nambabastos at nanlalait ng mga volunteers, mga ganun.

***

Sa kabila ng lahat, at sa irony ng entry ko na ito, isa lang ang gusto kong mangyari. Sana ay makakita ako ng tao na genuine ang intention, at makakapagpayo ng walang-halong bias. Hindi yung taong mahal ako, kasi puro sa ikabubuti ko ang gugustuhin nila. Eh paano kung sa Singapore ako mag-grow at yayaman, pero ayaw nila kasi mapapalayo ako, at delikado at mamimiss nila ako?

In the coming weeks, I will open my doors to strangers. Find genuine souls, hopeful na maliwanagan ako sa kung ano ang tama at mali.

Kasalanan ito ng CBCP na may opinyon. Ahahah!

***

Salamat sa nagdaang Holy Week, nagkaroon ako ng enough time para magluto. Here's my latest experiment!

2 comments:

  1. Una, magcocomment ako dahil hindi kita mahal at hindi naman tayo close. :)) "Mahirap makipagtalo sa taong may desisyon na sa una pa lang." Gusto ko to. Kasi feeling ko totoo to. Ang daming taong hihingi ng tulong o magtatanong ng opinyon, pero ang totoo niyan, gusto lang nila marinig yung boses nila. May desisyon na sila. Kaya nagkakaroon ng "illogical" argument kasi in the first place, mali na makipagargue siya kasi sinasagot mo lang naman ang opinyon mo na tinanong niya.

    My second take, hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni sir bong lopez, na "walang tama o mali, only things to learn." parang masarap paniwalaan. kasi nakakainspire. tiyaka feeling ko, masyado nnang maraming tulad mo, tulad natin, na feeling magaling. iyong malakas ang pride at bilib sa sarili na alam natin at some point, may punto tayo. dumarami na tayo, in effect, wala nang nakikinig. lahat, gusto puro leader ang gusto maging.

    hala. nakalimutan ko na yung iba. :))

    ReplyDelete
  2. that's the term na hinahanap ko, ILLOGICAL. Kaya paulit-ulit na lang yung arguments minsan, hangga't walang tumitiklop na prinsipyo, go lang ng go.

    naniniwala din naman ako na lahat tayo, at some point, gusto maging leader. HIndi din naman masamang goal yan eh. though hindi lahat, para dun. AKO LANG PALA! ahahah! HIndi ko rin naman matatanggap na habambuhay akong follower lang. Hence, the cycle ng kagustuhan ng tao na maging leader at some point. Walang gusto maging second place.

    Ayoko na patulan ang issue ko. Paikot-ikot lang ako. Sa sonrang galing ko tuloy, pati sarili ko, kalaban ko na! CHALLENGE KUNG CHALLENGE! ahahahhh!

    ReplyDelete