Habang naglalakad ako papuntang Welcome Rotonda, napansin ko ang dalawang tricycle driver na nakaupo sa gutter ng kalsada,bago ang cellphone nung isa at may camera.
Nagulat ako nung napansin kong nagpipicturan pala silang dalawa.
Driver A: Isa pa pare, hindi naman ako kita eh.
Driver B: Dumikit ka kasi sa akin, ang layo mo tsong.
At nagdikit nga sila ng pisngi, at saka tumawa pagkakita sa picture.
Driver B: Hindi ka naman nakangiti eh.
Hindi ko na narinig yung iba nilang usap dahil nga naglalakad ako. Nakakahiya naman kung tatambay pa ako dun para lang malaman kung makukuha ba nila ang perfect shot na inaasam nilang dalawa.
Naisip ko din tuloy, walang relasyong "bestfriend" ang perpekto. At sa lahat ng relasyon, ito ang pinakamahirap i-maintain. Kasi, lilimitahan mo yung love sa relasyon.
Kapag kasi nagkulang ka ng love sa bestfriend mo, pwedeng sabihin na neglectful ka o di naman kaya iresponsable. Kasi oras na pasukin mo ang bestfriendship, automatically, may tungkulin ka na dapat gampanan. Ikaw kukuha ng notes kapag absent siya, magpapasa ng assignment niya, sasalo ng sapak, shoulder to cry on ba.
Kapag sobra ka naman sa pagmamahal, maiinlove ka, patay. Karamihan nga sa naging problema ko sa mga close friends ko eh ganito. Bago pa man maging sobrang sakto nung relasyon, papasok si romantic love. At sisirain niya lahat. Lahat-lahat. Kasi yung isa, friendship lang ang kaya, yung isa, sa sobrang friendship, naging love, hindi nakontrol, gusto romantic love ang ibigay mo. Pakiramdam ko, mas masakit pa ito kesa sa mahuli mo syota mong may kabit.
Kaya mahirap talagang i-maintain ang friendship, dahil laging dapat may control ka sa emosyon, lalo na ang love emotions. Buti na lang at emosyon ng galit ang naeengkwentro ko recently, kasi kapag love, juskopo, ikamamatay na ng puso ko.
**
Noong pauwi ako galing school, napansin ko ang mga driver ng Galas na nanonood ng tv sa terminal nila. Hulaan ninyo ang palabas...
Ellen Degeneres show.
ktnxbye!
Panoorin mo Paano na Kaya? ahehehe
ReplyDeleteThere are friendships that are meant for something more while there are friendships that have to remain as it is. Iyon nga lang tricky lang kung saan mo ba dapat ilagay ang sarili mo. ;p
pinanood ko! suskopo! ahahah!
ReplyDelete