haha.
Gusto ko sapakin yung sarili ko every time tinatamaan ako ni kupido. Yung nagkakaron ka ng sarili mong mundo na naiiisip mong totoo ang forever. Yung sarado na yung puso mo sa ibang tao dahil kala mo nakita mo na yung THE ONE. Yung ang lakas ng loob mong magbigay ng love advice sa ibang tao dahil napaka-ideal ng relationship niyo. Lahat ng trips ninyo, Instagram worthy, at buong tropa mo, supportive. Ulol.
Don't get me wrong, in love pa din ako hanggang ngayon. Hindi na lang ako talaga naniniwala sa forever. Sa dami ng breakups na nakikita ko online, lalo na coming from the sweetest couple na hindi makabasag-pinggan ang posts, naghihiwalay din pala. So yeah, posible ang mainlove kahit hindi ka naniniwala sa forever.
Pinagusapan namin yung linya sa Love of Siam, tungkol sa possibility of loving someone and not being afraid of losing them. Dahil kasi parte ng buhay ng isang tao yung losing people to death, to another person, to destiny. Basta losing is constant. Parang mahirap kung iisipin mo. Love someone and not be afraid of losing them? Pano mo mamahalin yung tao na ganun ng buo? Hirap.
But I think tulad ng maraming bagay, love has its downsides too. Losing people probably is the toughest. Pero sa tingin ko ang mahalaga eh yung mga matututunan mo dun sa tao na yun. Yung purpose kung bakit mo sila nakasama for that specific time of your life. Hindi man ako naniniwala sa forever, I believe in purpose. And I think God will not waste your pains, lahat ito bahagi ng mas malaking plano. So sa bawat tao na nakikilala ko, I look for purpose. And with that, mas pinapahalagahan ko ang relasyon namin.
Little moments.
I think life is made up of little moments. Walang big moments talaga. Yung totality ng life yung big moment, yung kabuuan. Kasi magugulat ka na yung akala mong big moment, eh may mas lalaki pa pala. So maaaring big moment ito ngayon para sayo, pero bukas hindi na. sa dami ng ex ko (WOW), ahhaha! Sa dami ng ex ko na inakala kong ito na yung biggest love of my life, eh hindi pa pala. Tapos may dadating na mas: mas maunawain, mas maalaga, mas matalino. Tapos matatawa ka na lang na akala mo best na yung nasa iyo, hindi pa pala. There is always someone better. Sabihin mo din sa sarili mo yan Wado, may mas better sayo. Kaya don't take things for granted. Okay?
I just came from Singapore at medyo madami akong naisip sa buhay. Mga frustrations ko sa Pinas, sa putanginang korapsyon, at sa buhay ko ngayon in general. Madami. Bottomline. Life is short. Spend it with people that matter, people that you love. Hug your mom. Be kinder and be gentle. Travel more. Worry less. Write more.