Tulad ng ekonomiya, technology at pamasahe sa jeep, tumaas na din- ang demands para sa commodity na tinatawag nating pag-ibig. Hindi rin naman kasi biro ang flashmobs sa mall, ang wedding proposals na all star cast, ang public apology sa facade ng buong university mo. Dahil ordinaryong tao lang sila at nagawa nila ang isang bagay na ganun ka-engrande para sa taong mahal nila, naniniwala tayo that these people DO exist. At isang parte sa atin eh nag-aabang na gawin din satin ito ng bf/gf natin.
Wala na ako masyadong naririnig na humihingi ng lovelife ngayon. Good. Dahil mas mabilis na ang proseso ng panliligaw ngayong 2012, hindi mo na kinakailangang mamanhikan. Kung ang isang Angel Locsin nga eh napasagot lang sa isang tweet, ano pa kaya ang isang normal na estudyante?
Karamihan sa mga kaibigan ko eh taken na. Oo, masaya naman ako para sa kanila. Yun nga lang, flooded ang timeline ko sa Facebook ng monthsary, anniversary, weeksary, daysary photos nila at kung saang restaurant sila kumakain. It's one way of showing na din siguro kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Hindi man daw umabot sa simbahan ang pagpapatunay ng kanilang pagmamahalan, at least man lang maipakita nila ito sa kanilang friends sa social network.
Kung anong dinami ng barkada kong may lovelife, ganun din naman ang dami ng mga nakikipaghiwalay. Tatlo sa apat na break-up nitong October, iisa ang rason, wala na ang spark. BOOM. Matatalino na din kasi ang mga tao ngayon, mas ginagamitan na ng utak ang pag-ibig kesa sa puso. Okay naman ako dito eh, DAPAT talagang gamitan ng utak at huwag puro puso lang. But then again, iba na ang mind setting ng mga tao. Kapag iniwan tayo, kesa maghabol eh "I can do better" ang sumbat natin. Magaling tayo eh, matalino, may prinsipyo, may pride! Pakiramdam natin, one way or another, lamang tayo sa syota natin. Hindi na selos o third party ang issue, kadalasan ay prinsipyo na sa buhay ang ugat ng pag-aaway. Maaaring walang malisya ang monogamous relationship para sa isa for as long as sa misis mo pa rin ikaw umuuwi, okay na.
Kaya patok ang mga pelikulang may kabit ngayon. Mas komplikadong tao, mas gusto natin. Malaking age gap, teacher-student, same sex, politiko-artista, basta mas outrageous, mas gusto natin. Kung sa bagay, boring din kasi yung mga taong mabilis makuha, kaya naman sa simula pa lang ng relasyon eh tayo na ang gumagawa ng sarili nating challenge. Gusto nating subukin agad kung hanggang saan tayo aabutin ng martyr-o-meter natin para sa taong ito. Kaya ang shoutout ng couples ngayon sa facebook eh halos "You had me at my worst, pero minahal mo pa din ako."
Ano kayang nangyari kay "I deserve nothing but the best."? I hope he's okay.
Tinanong ako ng barkada ko nung isang gabi, "bakit ba natin mas pinipili yung taong mahirap mahalin?". Sabi ko, "Doon kasi natin nasusukat kung gaano natin kamahal ang isang tao, pati na rin ang worth mo sa taong yun. Papahalagahan ka niya dahil kaya mong gawin ang mga bagay na mahirap para sa kanya, you go out of your way para sa taong ito. At pag nagreflect ka sa sarili mo, "I did all of these for her?" Aba, this must be true love." Nasundan ito ng isang cheers ng Jack Coke.
Hindi mahirap maghanap ng lovelife ngayon, ang mahirap eh yung pagpapatatagal ng isang relasyon. Dapat itigil na natin ang paghahanap sa perfect na tao, dahil perfect people DO NOT exist. Lahat ng tao aminado sa at least isang weakness, and that's okay. Hindi naman tayo mamahalin ng tao dahil sa kahinaan, kundi sa strengths natin. Perfect relationship, yun ang targetin natin.
At the end of the day, doon pa rin naman tayo umuuwi sa kung sino ang nagpapasaya sa atin. Kahit hindi nila tayo kayang mahalin in return, sige lang. We feel good kahit mukha na tayong tanga kakabigay. Dahil yun naman ang essence ng pag-ibig eh, ang magbigay ng walang hinihinging kapalit. No compromises, walang meet halfway, at walang kontrata.
Dahil pag mahal mo, walang boundaries, walang bilangan. Hindi na kailangan gawing two-way street ang love, dahil ang totoong panalo, syempre, yung nagmahal ng totoo. Tapos pag ayaw niya talaga, sabihin mo na lang, "your loss, not my." Tapos balik ka sa grade one.