Sunday, February 27, 2011

Welcome March

Ang bilis dumaan ng isang buwan. March na agad. Pero parang pakiramdam ko, antagal na nung huling pasko. Kung magpapasko na next month, hindi ko sasabihin na "aba, pasko na agad?". Eto siguro yung feeling na so near yet so far, na hinaluan ng ang bilis ng panahon.

Nararamdaman kong magiging chaotic ang buwan ng March ko. At kung hindi ako nag-uupdate ng blog ko for the past few weeks, mas lalo na siguro next month.

In ten days, aalis na ang panganay kong kapatid para pumuntang Europe. Doon na siya magiging nurse. Malaking pagbabago ang hatid nito sa pamilya ko, I'm sure. Panibagong adjustment para sa nanay ko. Sana it works for the best.

In 24 days, aalis kami papuntang Singapore. Ang supposedly family trip namin, ay binago ng maagang paglipad ng ate ko. Kasama siya sa booking ng tickets, pero dahil sa biglaang twist ng kapalaran, lima na lang kaming pupuntang Singapore.

In 30 days, magsisimula na ang World Stage sa Malaysia at Singapore. ito ang unang pagkakataon na magtatrabaho ako overseas. AHAHAHH! Pakiramdam ko tuloy ay OFW ako. NOT. Na-eexcite akong makatrabaho ang mga bata mula sa ibang bansa. Ito ay opportunity na din para sa akin ang aralin ang kultura ng mga bata mula sa iba't ibang bansa.

***

Kahapon, tumakbo ako sa EDSA run, 5k. Nakakagulat kasi hindi ko inaasahang matatapos ko ang 5k nang hindi humihinto. Iba din pala talaga kapag may goal ka. Ibang drive yung nanggagaling sa iyo. HIndi adrenaline kundi yung inspired ka na matapos, kasi may goal.
freebies

Natatakot akong tumakbo nung una kasi kahit sa treadmill, 1k pa lang, hingal na ako. Paano pa kaya kung 5k? EDSA run was a revelation. In 38 minutes, natapos ko ang 5k run. Achievement para sa akin.

Kahapon, dapat ay reliever lang ako sa pagiging teleprompter sa bagong game show ng TV5 na Lucky Numbers. Host nito si Eugene Domingo at Keempee. Sinabi din ni Ate Beng kahapon na regular na daw ako. Another blessing. Bagong pamilya sa Kapatid network, bagong show, at wala akong masabing masama sa mga katrabaho ko.

Andun at sobrang down to earth na artista na si Uge, ang maalagang staff, si Ms Gracia na habangbuhay kong kaaldalan sa prompter area, masayang ambiance. Hindi ko maipaliwanag. Iba din siguro kapag mas matanda sa iyo ang mga katrabaho mo, inaaalagaan ka nila. Sa HT kasi, halos ka-edad ko ang mga staff. So more on barkada ang tinginan namin sa isa't isa. Kapatid. Walang mas lamang, sadyang magkaiba sila.

Kumbaga sa english, apples and oranges.

Ganito pala ang feeling na may goal ulit sa buhay, nakakagana. I must have done something right again to deserve this second shot at life.

Welcome March. Embrace me for now I am more driven, more competent, and more, blessed.





Friday, February 18, 2011

The Return of Inday: Nahihilo ako


Nilapitan ako ni Inday kaninang umaga at sinabing

Inday: nahihilo ako.

Ako: Bakit?

Inday: Mataas BP ko eh. Nagpatingin ako nung Lunes.

Ako: Saan?

Inday: jan sa may palengke, sa gawaan ng salamin.

Ako: Sino kasama mo?

Inday: Yung katulong jan sa tapat.

Ako: Tapos nahihilo ka pa rin?

Inday: oo. 160/100 ako nung lunes eh.

Ako: Tara, patingin ulit tayo.

Sa kotse, umupo si Inday sa likod.

Ako: dito ka nga umupo sa harap. Ginawa mo pa akong driver.

We went to check with UDMC

Inday: Wag jan, mahal.

Ako: ok lang yun!

Inday: BP lang gusto ko mapatingnan. Sa clinic na lang tayo. Pag ospital, baka malaman pa yung
iba kong sakit.

Ako: Ok. Tayo na sa barangay.

SARADO. Congratulations sa kapitan ng Brgy Don Manuel.

Inday: Wag na nga lang.

Ako: Ano ka ba, pag namatay ka sa bahay. Hindi ko alam gagawin ko. Para maagapan.

Isang kanto, may maternity clinic.

Ako: Dito na lang tayo magpatingin.

Inday: Bakit may pictures ng baby?

Ako: Pang mga buntis kasi ito. Baka buntis ka pala kaya ka nahihilo.

Inday: Wag naman sana.

ANAK NG TOKWA!

ahahahh!
***
We ended up with a P20 BP check, a 130/90 BP, and a more calm Inday on our way home.

Wednesday, February 9, 2011

Kolehiyo

Balik-tanaw sa isa sa mga pinaka-malaking nangyari sa buhay ko nung college, ang dahilan sa "Usapan namin ni God" entry. Ang hero ng buhay ko. Congratulations, sa wakas, gagraduate ka na. <3

Wala kang kupas.

Monday, February 7, 2011

One member less

My sister finally passed all her requirements to work as a nurse in UK. She won't have to get a student VISA like most of the lot, instead, she'll be working asap. It's what she's been waiting for for two long years. And I quote her, "it was worth the wait.".

Congratulations sis! Soooo proud of you! Hope to get you the boots you wanted before you leave. =D