Monday, August 1, 2016

Salisi

Paano kung yung taong para sa iyo, hindi mo pwedeng makita?

Tinakda kayo ni tadhana, pero hanggang plano lang, na kayo, pero hindi magiging kayo.

Sinulat nila ang love story ninyo na punong-puno ng muntikang pagkikita, pero hanggang dun lang. 

Papasok ka ng mall, papalabas naman siya.

Kasal ng ate ng barkada mong simbahan ang inattendan mo at siya naman sa reception. 

Yung nagpa-gas ka ng sasakyan at nag-aabang siya ng jeep sa kanto. 

Ganun ang love story ninyo, hindi talaga nila tinapos. 

Hahanap ka na lang ba ng iba, o tatanggapin mo na lang na ganito talaga minsan si tadhana.

Magtataka ka din kasi na ang daming pumapasok sa isang relasyon, pagkatapos maghihiwalay din naman pala. 

Magugulat ka na lang talaga kay tadhana. Yung tipong iisang hangin sa iisang kwarto na lang ang hinihinga ninyong dalawa, hindi man lang kayo nagkita sa mata. 



Monday, July 4, 2016

Mahal, kamusta?

Pansinin mo ako, mahal.

Tulad nung pansin na binibigay ko sayo.

Kamustahin mo ako, mahal.

Na parang kailangan ko marinig ang tinig ng boses mo.

Payakap ulit, yung tulad nung dating sobrang higpit.

Kamusta ka mahal, nakikita mo pa ba ako?

Alam kong mahal mo ako, sabi mo diba?

Pero mahal, yung love language ko, gawa hindi salita.

Kaya mo ba akong mahalin,

sa paraang alam ko? Sa pag-ibig na alam ko?

Isang taon na tayo mahal.

Kamusta, tayo?

Nagmamahal, mahal.


Wednesday, May 25, 2016

Peter Pan syndrome

May nabasa akong article about people being afraid to grow up, to take on responsibilities, pay bills. They call it the Peter Pan syndrome.

‘If you read the newspapers, all you hear is that young people’s lives have never been as horrible as today — which basically requires historical amnesia, because that is not the case. Recession and economic depressions have happened across the past century but, in my generation, the important thing was that you struck out on your own — even if you faced serious economic hardships and you were broke all the time. Now people make excuses,’ he says.

Read more: http://www.dailymail.co.uk/news/article-2176281/Generation-refuse-grow-No-mortgage-No-marriage-No-children-No-career-plan-Like-30-somethings-Marianne-Power-admits-shes-.html#ixzz49gygCX1b
Follow us: @MailOnline on Twitter | DailyMail on Facebook


Naisip ko na ako yung kinakausap ng article na yan dahil una, wala pa sa isip ko ang mag-asawa. At komportable ako sa puder ng nanay ko. Nagpapanic ako everytime someone younger than me gets married, or kahot mga ka-batch ko eh kinakasal. Nakakapanic kapag nabubuntis ang kaibigan mo when in fact ganung edad din naman ang nanay ko nung pinanganak niya ako.

Ayoko sabihing may mali sa generation namin, pero may nagbago. At sigurado akong nandun ako sa braket ng ayaw tumanda. I need to talk to someone, set my sails straight once and for all. Pagod na din ako making all sorts of excuses.

Let's open that motherfucking Wadoughs Cafe na.

Tuesday, May 24, 2016

Birthday month coming up

I lost the drive to dream about small things, because God gave me bigger dreams to dream about. A commissary for Wadoughs, a new car, my own place. I don't think I can come up with a birthday wishlist na kayang ibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko, lahat medyo AKO na dapat ang nagbibigay.

I am a grown up. Yung mga kasabayan ko sa buhay, nagsisipag asawa na. I focus so much on work, parang hindi ko na nabibigyang-pansin yung iba kong priorities. Or baka naman kasi priority ko talaga ang work. Ewan.

Lord, isang pagbabago naman sa buhay ko ngayong June 22. Yung masayang walang katulad. <3 p="" salamat="">

Monday, March 21, 2016

Change is good

Nagtalk ako sa La Salle last week, at nagulat ako sa tanong ng isang student, pero masnagulat ako sa sinagot ko.

"Ano po ang biggest failure na naencounter ninyo sa work and how did you overcome it?"

Mahirap kasi icategorize ang salitang failure. Kadalasan kasi, hindi ko siya nakikita as failure dahil lagi namang may opportunities to correct it. Or baka midway ka pa lang sa process, and this "failure" per se, is a crucial part of it. So sinubukan kong ibahin ang landas ng sagot ko.

"That would have to be, not starting when I felt like I should start. Walang right time for a business I think. Lalo na ngayon that we have access to almost everything. The tools are there, we just need to man up and utilize them. Tomorrow will already be a day too late."

Natuwa naman yung bata sa sagot ko, ako hindi masyado. Well, wala din kasi akong masagot talaga. I never felt I failed.

I wanna lose weight. Napipikon na ako sa negative news on tv, and seeing this huge layer of fat sa tyan ko, doesn't help the situation. kung may abs siguro ako, baka mas gumaan pakiramdam ko about certain things. But yeah, I'm fat like a cow. So I'm gonna change soon. April. Itaga na natin sa bato.

Ang init by the way.

Monday, March 7, 2016

Tanga

haha.

Gusto ko sapakin yung sarili ko every time tinatamaan ako ni kupido. Yung nagkakaron ka ng sarili mong mundo na naiiisip mong totoo ang forever. Yung sarado na yung puso mo sa ibang tao dahil kala mo nakita mo na yung THE ONE. Yung ang lakas ng loob mong magbigay ng love advice sa ibang tao dahil napaka-ideal ng relationship niyo. Lahat ng trips ninyo, Instagram worthy, at buong tropa mo, supportive. Ulol.

Don't get me wrong, in love pa din ako hanggang ngayon. Hindi na lang ako talaga naniniwala sa forever. Sa dami ng breakups na nakikita ko online, lalo na coming from the sweetest couple na hindi makabasag-pinggan ang posts, naghihiwalay din pala. So yeah, posible ang mainlove kahit hindi ka naniniwala sa forever.

Pinagusapan namin yung linya sa Love of Siam, tungkol sa possibility of loving someone and not being afraid of losing them. Dahil kasi parte ng buhay ng isang tao yung losing people to death, to another person, to destiny. Basta losing is constant. Parang mahirap kung iisipin mo. Love someone and not be afraid of losing them? Pano mo mamahalin yung tao na ganun ng buo? Hirap.

But I think tulad ng maraming bagay, love has its downsides too. Losing people probably is the toughest. Pero sa tingin ko ang mahalaga eh yung mga matututunan mo dun sa tao na yun. Yung purpose kung bakit mo sila nakasama for that specific time of your life. Hindi man ako naniniwala sa forever, I believe in purpose. And I think God will not waste your pains, lahat ito bahagi ng mas malaking plano. So sa bawat tao na nakikilala ko, I look for purpose. And with that, mas pinapahalagahan ko ang relasyon namin.

Little moments.

I think life is made up of little moments. Walang big moments talaga. Yung totality ng life yung big moment, yung kabuuan. Kasi magugulat ka na yung akala mong big moment, eh may mas lalaki pa pala. So maaaring big moment ito ngayon para sayo, pero bukas hindi na. sa dami ng ex ko (WOW), ahhaha! Sa dami ng ex ko na inakala kong ito na yung biggest love of my life, eh hindi pa pala. Tapos may dadating na mas: mas maunawain, mas maalaga, mas matalino. Tapos matatawa ka na lang na akala mo best na yung nasa iyo, hindi pa pala. There is always someone better. Sabihin mo din sa sarili mo yan Wado, may mas better sayo. Kaya don't take things for granted. Okay?

I just came from Singapore at medyo madami akong naisip sa buhay. Mga frustrations ko sa Pinas, sa putanginang korapsyon, at sa buhay ko ngayon in general. Madami. Bottomline. Life is short. Spend it with people that matter, people that you love. Hug your mom. Be kinder and be gentle. Travel more. Worry less. Write more.

Thursday, October 11, 2012

Pag-ibig sa taong 2012

Tulad ng ekonomiya, technology at pamasahe sa jeep, tumaas na din- ang demands para sa commodity na tinatawag nating pag-ibig. Hindi rin naman kasi biro ang flashmobs sa mall, ang wedding proposals na all star cast, ang public apology sa facade ng buong university mo. Dahil ordinaryong tao lang sila at nagawa nila ang isang bagay na ganun ka-engrande para sa taong mahal nila, naniniwala tayo that these people DO exist. At isang parte sa atin eh nag-aabang na gawin din satin ito ng bf/gf natin.

Wala na ako masyadong naririnig na humihingi ng lovelife ngayon. Good. Dahil mas mabilis na ang proseso ng panliligaw ngayong 2012, hindi mo na kinakailangang mamanhikan. Kung ang isang Angel Locsin nga eh napasagot lang sa isang tweet, ano pa kaya ang isang normal na estudyante?

Karamihan sa mga kaibigan ko eh taken na. Oo, masaya naman ako para sa kanila. Yun nga lang, flooded ang timeline ko sa Facebook ng monthsary, anniversary, weeksary, daysary photos nila at kung saang restaurant sila kumakain. It's one way of showing na din siguro kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Hindi man daw umabot sa simbahan ang pagpapatunay ng kanilang pagmamahalan, at least man lang maipakita nila ito sa kanilang friends sa social network.

Kung anong dinami ng barkada kong may lovelife, ganun din naman ang dami ng mga nakikipaghiwalay. Tatlo sa apat na break-up nitong October, iisa ang rason, wala na ang spark. BOOM. Matatalino na din kasi ang mga tao ngayon, mas ginagamitan na ng utak ang pag-ibig kesa sa puso. Okay naman ako dito eh, DAPAT talagang gamitan ng utak at huwag puro puso lang. But then again, iba na ang mind setting ng mga tao. Kapag iniwan tayo, kesa maghabol eh "I can do better" ang sumbat natin. Magaling tayo eh, matalino, may prinsipyo, may pride! Pakiramdam natin, one way or another, lamang tayo sa syota natin. Hindi na selos o third party ang issue, kadalasan ay prinsipyo na sa buhay ang ugat ng pag-aaway. Maaaring walang malisya ang monogamous relationship para sa isa for as long as sa misis mo pa rin ikaw umuuwi, okay na.

Kaya patok ang mga pelikulang may kabit ngayon. Mas komplikadong tao, mas gusto natin. Malaking age gap, teacher-student, same sex, politiko-artista, basta mas outrageous, mas gusto natin. Kung sa bagay, boring din kasi yung mga taong mabilis makuha, kaya naman sa simula pa lang ng relasyon eh tayo na ang gumagawa ng sarili nating challenge. Gusto nating subukin agad kung hanggang saan tayo aabutin ng martyr-o-meter natin para sa taong ito. Kaya ang shoutout ng couples ngayon sa facebook eh halos "You had me at my worst, pero minahal mo pa din ako."

Ano kayang nangyari kay "I deserve nothing but the best."? I hope he's okay.

Tinanong ako ng barkada ko nung isang gabi, "bakit ba natin mas pinipili yung taong mahirap mahalin?". Sabi ko, "Doon kasi natin nasusukat kung gaano natin kamahal ang isang tao, pati na rin ang worth mo sa taong yun. Papahalagahan ka niya dahil kaya mong gawin ang mga bagay na mahirap para sa kanya, you go out of your way para sa taong ito. At pag nagreflect ka sa sarili mo, "I did all of these for her?" Aba, this must be true love." Nasundan ito ng isang cheers ng Jack Coke.

Hindi mahirap maghanap ng lovelife ngayon, ang mahirap eh yung pagpapatatagal ng isang relasyon. Dapat itigil na natin ang paghahanap sa perfect na tao, dahil perfect people DO NOT exist. Lahat ng tao aminado sa at least isang weakness, and that's okay. Hindi naman tayo mamahalin ng tao dahil sa kahinaan, kundi sa strengths natin. Perfect relationship, yun ang targetin natin.

At the end of the day, doon pa rin naman tayo umuuwi sa kung sino ang nagpapasaya sa atin. Kahit hindi nila tayo kayang mahalin in return, sige lang. We feel good kahit mukha na tayong tanga kakabigay. Dahil yun naman ang essence ng pag-ibig eh, ang magbigay ng walang hinihinging kapalit. No compromises, walang meet halfway, at walang kontrata.
Dahil pag mahal mo, walang boundaries, walang bilangan. Hindi na kailangan gawing two-way street ang love, dahil ang totoong panalo, syempre, yung nagmahal ng totoo. Tapos pag ayaw niya talaga, sabihin mo na lang, "your loss, not my." Tapos balik ka sa grade one.


Wednesday, September 5, 2012

Lost

I am afraid to die today. Ayoko pa. Ayoko mamatay ng ganito ang pakiramdam, yung malungkot, at hindi fulfilled sa buhay.

Ayaw ko muna magtrabaho, matagal na akong napapagod sa ginagawa ko. Sa mga tao, at sa trabaho ko mismo.

Ayaw ko muna umattend ng meeting, pumunta ng gym, lumabas ng bahay.

Ayaw kong gumawa ng kahit ano.

Wala akong gana. Kahit yung feeling na malungkot, wala akong ganang gawin. Wala akong emosyon. Wala.

Ayaw ko din na ito ang huling blog entry ko pag mamamatay ako, hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa akin.

SHIT. Naramdaman mo na ba ito?

Ano ba ang gusto kong gawin NGAYON?

Gusto ko na mag resign sa trabaho.

Gusto ko magluto.

Gusto kong lumipad sa ibang bansa.

Ayaw ko na sa bahay ko.

Pero mahal na mahal ko ang pamilya ko.

Gusto ko ipagluto ang barkada ko.

Gusto kong pasayahin ang nanay ko.

Gusto ko maging masaya.

Gusto ko magdasal ng isang buong araw, at mas kilalanin ang Diyos.

Gusto kong lumangoy sa gitna ng dagat.

Gusto kong matulog sa ibabaw ng bundok.

Gusto kong magmaneho sa malayong lugar.

Gusto kong magmahal ulit.

Gusto kong matutunan kung paano magmahal ng tama.

Gusto kong makita yung taong para sa akin.

Ang dami kong gustong gawin, pero wala akong ginagawa para makuha ang lahat ng ito.

Pucha.




Wednesday, June 20, 2012

An open e-mail.


Dear WSS,

Hindi umabot ang entry ko for the internship sa Singapore, closed na when I was able to send it. They will be having another one in August, still keeping my fingers crossed, pero ewan. So maybe that's the sign I was waiting for. Sige, let's talk pagdating mo dito. I am willing to work full-time naman. May plano na rin naman ako to resign from TV5. Di ko ma-feel yung growth. Stagnant. Dunno. Hindi continuous yung learning. Let's talk more about it when you get here, I can't wait for your insights. 

Any specific date ng dating mo? Para lang din mahanda ko yung shows na bibitawan ko. I'll be celebrating my birthday tomorrow, and I feel like I need a good kicking out of my comfort zone, explore. I will be working on my internship for Singapore still, but rest assured you have all my support, and I'll give all the time you need para maka-settle dito. =D Keep me posted!
 
Eduardo Tan Siman
Supervising Editor, TV5
0915-1274159

The talent of success is nothing more than doing what you can do, well.
---Henry W. Longfellow

Thursday, June 14, 2012

#projectbringback fail

Today I realized that the more I try to bring back my past, the more I find myself disgusted with where I am right now. Maybe that's why it's IN the past, it's not meant to be repeated the exact same way, if it will only lead me to where I am right now, stuck in misery.

Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos mong gawin lahat para mabalik ang bagay sa dati, lalo ka lang nadidisappoint. Siguro may stage sa buhay na talagang aabot ka sa ganito, yung pagod na itataas mo na lang ang dalawa mong mga kamay dahil gusto mo nang isuko sa Diyos ang lahat.

Ayaw ko nang ibalik ang dati, pagagandahin ko na lang kung ano ang meron ako ngayon.

Nakameeting ko kanina ang buong staff ng bago kong show, hindi ko gusto ang karamihan. Yung pakiramdam na parang nagtatrabaho ka an sa ABS CBN. Hindi na magaan yung usapan sa meeting, lahat may tensyon, alam mong pinag-uusapan ka ng ilan sa likod. Nakakapagpabagabag.

Ngayong linggong ito, may dalawang job opportunities na kumatok sa aking pinto. Isa sa Singapore, isa naman ay dito sa Pinas. I'll try to apply for an internship program sa SG, hope I can make it. Para maiwanan ko na ang "past" ko dito sa Pilipinas. Handa na akong magbukas ng panibagong pahina sa aklatan ng aking talambuhay.

Salamat #projectbringback, you gave me something to believe in. Hindi ka man naging successful, narealize ko naman na may mga bagay na sadyang hindi takda para sa isa't-isa. Masyado pang maaga para sumuko, pero gagawin ko ito para sa sarili ko.

Sunday, June 3, 2012

Healed

A lot of people don't know this, but I am a cry baby. I just don't want to cry in front of people. I cried twice while watching Three Idiots, cried while watching the movie Rent, cried a river inside when I watched the play Next to Normal, I cry when I don't like what's happening, and people don't know it.

I must look really good when I cry. Lahat ng iniyakan kong tao, nagkakagusto sa akin. Si Joselle, si Ronald, si Ayie. Doon daw kasi nila nakikita ang totoong ako. Para sa isang taong iyakin tulad ko, hindi naman ito ganoon kaspecial. Sabi nga ni Ronald, kaya siya patay na patay sa akin, dahil umiyak ako sa kanya. Nakita daw niya na honest ako at nagtitiwala. Kung honest sa honest, napuno lang talaga ako nung araw nayon, at provoking ang kumag, kaya ako naiyak. Pikon din kasi ako.

I have tons of soft spots which people don't usually see. Kaya naman pag may problema sila, sa akin sila madalas tumatakbo. Hihingi ng payo, iiyak, maglalabas ng sama ng loob. May pros and cons din naman ito, this being tough outside and fluffy inside. Madali kang makibagay.

May kaibigan ako dati na laging magtetext kapag galit siya sa mundo.

"San ka?"

Bakit?

kabwiset itong si ___, kailangan ko lang ng kasama.

***

San ka?

Bahay, why?

Punta ako jan, kagigil dto sa office....

***

Mga walong ganyan niya, tapos nagtext ako sa kanya...

"Hihintayin ko ang araw na itetext mo ako dahil masaya ka."

***

After nun, puro I miss you na lang ang text niya sa akin. It's about time. Pagod na din kasi ako sa totoong buhay, sa kanya at sa sarili kong mga problema.

HEALED na pala ako.

Umattend kasi ako ng The Feast, kasama si mommy, Symon at Tita Ludy ko. Last day ng talk ni Bo about destinations, and journeys. So may healing afterwards. Sabi ni Bo Sanchez, pikit daw kami.

Inisa-isa niya yung mga problema ng tao.

"God knows about your financial problems" and so on.

Ang nasa utak ko lang nun, wala pa po akong destination, kaya hindi ko maenjoy ang travel. Kasi hindi ko alam kung saan ko gusto pumunta.

"Friend, if you want to savor life, you have to learn to enjoy the drive, not just the destination."

So hiniling ko, DESTINATION.

Biglang sinabi ni Bo, "God knows about your work problems." Tumulo ang luha ko, sa kanang mata. At biglang pumasok ang chorale sa chorus ng "I Surrender" na kanta. Pucha, kumanta ako habang nakapikit. Ninamnam ko yung intervention na doon ko lang naramdaman. Kilabot.

Dumukot ako ng 1k sa wallet ko, P300 na lang ang natira. Sabi ko, I surrender.

Niyakap ko si mommy, pati ang kapatid kong halos 5 years kong di kinakausap. It was a good day.

Feeling ko naman hindi pa ako totally healed. Sabi nga ni Bo,

"Healing your performance-oriented spirituality will take time. Everything takes time. But that's okay. Don't rush through this process. It can't be rushed anyway, even if you tried. Enjoy the drive."

Pinataas ni Bo ang kamay ng lahat ng single. Kumaway ako agad, yung iba, nahiya pa. It was a very interesting afternoon indeed.

Attend kayo ng The Feast, nakakatulong siya sa totoo lang. Sabi nga ng nanay ko, "Hindi man din ako nageenjoy sa misa, except dito lang, sa Feast. Ramdam mo yung dasal. Basta."

There you go.



Saturday, June 2, 2012

#projectbringback

I want to do a self-serving project calle #projectbringback. It's the new me trying to bring back my old self, well at least the good parts.

I remember being very happy this time of year, I don't know what went wrong today. Though I've been trying to pinpoint the culprit, I can't. Maybe I've outgrown my job, or the feeling of happiness in what I do, so I don't feel as happy as I used to. So instead of pointing fingers, I'll simply try and bring myself back, the old happy me.

Hence, the #projectbringback.

I hope to be as happy as I was a year ago, and my birthday will be the time limit to gauge wether this project went well or not.

Eto pala mga posters na ginawa ko for IIBB.




Here's to a lifetime of happiness. CHEERS!

Wednesday, May 30, 2012

TRUST

Today, I've been up all morning trying to work on my VISA. My ITR's been on hold since last week, kesyo nasa Pampanga pa daw, hindi pa nagmeemeet yung kausap ko at yung kausap niya from BIR. Today, I gave myself a deadline, na kailangan ko na makuha ang ITR ko for my Taiwan VISA, went to BIR, hinanap ang contact, ayun, tapos agad. Wala pang isang oras.

I feel kind of helpless today dahil sa dami ng bagay na hindi ko kayang gawin. Yung pakiramdam mo, anjan naman sa paligid mo yung mga taong pwedeng tumulong sa iyo, but they don't. So sa huli, ako lang din pala ang pwede kong pagkatiwalaan. Just me.

Maraming nag-ooffer ng tulong, pero sila yung hindi ko inaasahan ng tulong. Yung pakiramdam mo hindi genuine yung pangangamusta? O baka naman sila pala ang makakatulong talaga sa akin, hindi ko lang kinoconsider, kasi nakatutok ako doon sa mga taong gusto ko. Baliktarin ko kaya ang mundo?

Inisip ko din na lahat ng nakakatulong sa akin noon, may sari-sariling problema na din ngayon. At ako naman, ang dating hindi problemado, naghahanap ng matatakbuhan at makikinig sa akin ngayon.

Gusto kong buhayin ang religious side ko, dahil feeling ko kailangan ko na si Lord sa buhay ko ngayon. Umattend ako ng The Feast last Sunday, at nakita ko kung gaano ka-active ang mga tao doon. Nandun pa yung kras ko. HAAHAHAH! #bwiset

Pag may opportunity sa Feast, I think I will grab it, at pipilitin kong isingit sa schedule ko. Kakalimutan ko muna ang mga tao sa paligid ko. Lahat sila. Dahil kung ako, ginawan ko ng paraan mag-isa ang problema ko, mas kaya din nila.

And so with that I leave you this quote I saw on Tumblr. AHAHAH!


Tuesday, May 29, 2012

Artsy

Kagabi, di ako mapakali. After ng workshop namin, nagpagupit kami ni ER, nagkape, kumain ako sa Naci at umuwi ng bahay. When all of a sudden, naalala kong naiwan ko pala ang kotse ko sa office dahil coding.

Sabaw ako buong araw marahil na din sa disappointments ko sa mga tao na sinasarili ko lang. Sabihin ko na lang kaya sa kanila na nasasaktan ako? Na nakakasakit na sila? Iniisip ko kung magpapaka-kaibigan ba ako sa kanila o wag na lang. Eventually, naisipan kong wag na lang. Dahil ayaw ko ng gulo, ayaw ko ng away. Kaya naman sa huli, eto ako, lahat tinitimpi.

Gusto ko ng panibangong responsibilidad, hindi trabaho, gusto ko sana yung mabigat. Oo, gusto ko na magka-anak. Pero ang tanong jan, nakahanda na ba ako?

Kulang pa ang inipon kong pera para makapagtaguyod ng isang pamilya. Kulang pa din ako sa mapapangasawa, or worst case scenario, mabubuntis. Sa tingin ko, game ako sa ganun, walang kasal, pero may anak kami. Masama ba akong tao?

Nalungkot ako kagabi daihl naiwan ko ang kotse ko. Hindi ako ganun kasabaw dati, anyari?

Dumaan ako sa blessed sacrament at nakipagusap sa Kuya ko. Di Siya masyado responsive kagabi. Baka maling mga tanong ang binabato ko. Or baka naman alam ko na daw ang sagot, ayaw ko pa lang harapin.

Uminom ako sa Nommu mag-isa, nanonood sa isang grupo ng mga babaeng akala ko mga taga Culiat, pota, conyo all the way pala. Hindi sila nagtatagalog, at ang punctuations nila ang ang salitang "like".

"Like, I know right? Like yeah!"

Ayaw ko ng ganung asawa. UNLIKE.

Naniniwala ako na nanjan lang sa paligid ang taong para sa akin. At isang araw, kakalabitin niya ako at sasagutin lahat ng mga tanong ko sa buhay.

"Kaisa ng aking puso, ako po si Wado, na nagsasabing hindi natutulog ang pag-ibig 24 oras." Dahil kahit pagtulog ko ng mahimbing, naaappreciate ko.

Isa ngang chick flick jan!

Monday, May 28, 2012

This friend of mine


 Dahil inggit ako sa buhay niya. Now he and his family are in Greece, celebrating the end of May I guess. 
I keep telling myself that wanting something that you do not have can sometimes be unhealthy. Work with what you got. On repeat. 

Well, he's got a perfect family, and clearly I do not.

Yesterday during one of our activities at the workshop, we were asked to play roles of reporter and "artista". I played artista and told my partner Anna everything about me. In 19 minutes, I was all about my dad and his issues with me. I've never felt so comfortable talking about my secret to one stranger, and eventually to the entire room. 

I guess being an open book helps create good stories. 

Thursday, May 24, 2012

New Direction

Well I've been doing a lot of thinking lately, and it didn't do me any good. It only made me regret the things that I have today. So just like the time when I lost my faith in God, I have to look for the reasons why I chose the life I have right now.

I so fucked.


Sunday, May 13, 2012

RANDOM update


Today, I went to visit a family friend at the hospital. They're not financially blessed, so they're staying at a public hospital. Walked through open wards and patients fanning themselves to comfort. If I would be checked in here, I don't think I'd feel better. 

My Tita Fely has bruises all over her body, been bed-ridden for two months now. But despite her weak body, she managed to keep her rock and roll attitude. 

ME: Ano gusto mong kainin?

TITA: Chicken curry.

She could hardly speak, so most of her response came in soft whispers. 

ME: Eh hindi ka naman nakakanguya eh. Wala kang ngipin.

TITA: sinong may sabi?

And then she opened her mouth and gave me a toothless smile. 

Everyone in the room laughed. 

Before we left, I promised to bring her the chicken curry she wanted once she gets out of the hospital. 

She agreed to get better for me. 

ME: Kitakits!

TITA: Kitakits.

And she gave me a struggling wave that lasted for at least thirty seconds. 

***
Today, I looked back on my past loves. Nagtapat kasi sakin yung officemate kong bakla, na mahal na mahal daw niya ako. At binabasa din niya itong blog ko, so good luck naman sa iyo. LOL. Sinabi niya na sa hierarchy daw ng pag-ibig sa buhay niya, kasama ko daw ang nanay niya sa number one. Inexplain niya sa pamamagitan ng mahahabang text messages kung bakit. Narealize ko sa gitna ng frustrations niya sa buhay, parang familiar. 

Then it hit me, ah, nanggaling na ako doon, twice. Isa nung highschool, isa nung college. May dalawang tao din akong pinantay sa nanay ko. Eventually, I gave up dahil hindi ako sanay na humahabol. Ako madalas ang hinahabol. Hindi ako sanay na hind makuha ang gusto ko. Pride din ang nagpalaya sa nararamdaman ko para sa kanila. Yung isa, working girl na sa makati, yung isa naman, nasa ibang bansa na.

Good.

Narealize ko din kung gaano ako kalakas. Dahil nalampasan ko ang stage na yun sa buhay ko. Na hindi ko inakalanag matatanggap ko. Yung pakiramdam na buo na yung future ninyong dalwa sa utak mo, hanggang kamatayan na. Good job Wado!
***
So nasa ospital nga ako kanina, namiss ko yung mababaw kong pangarap dati. Sabi ko, gusto kong tumira sa isang maliit na kwartong gawa sa kahoy, tapos papasukin ng street lamps mula sa labas yung kwarto ko sa gabi, orange. Tapos maninigarilyo ako habang umiinom ng Red Horse, habang nagsusulat ng blog.

Hindi ko sinasabing ayaw ko ng buhay ko ngayon, gusto ko din yung pagtatravel ko sa ibang bansa, kain sa mamahaling resto, bili ng magagandang damit at sapatos. Pero one side sa buhay ko, gusto maging simple.

Gusto kong mag photowalk sa Ermita gamit ang film camera na bigay ng tita ko. Ipiprint ko at ididikit sa pader kong kahoy. Pipicturan ko ang syota kong tulog sa kama ko, uubusin ko ang 36 shots ng film camera ko sa kanya. Gagawan ko siya ng album.

Sasakay kami ng bus papuntang Vigan, tren papuntang Bicol, RORO papuntang Palawan. Bibili kami ng apartment at doon papalakihin ang anak namin. Dalawa.

Shit. Namiss ko ang mga simple kong pangarap.

Anong nangyari?

RANDOMS. 

Monday, March 12, 2012

I love you, goodbye

Minsan na lang din talaga ako gumawa ng post tungkol sa love, hindi na kasing-dalas nung dati, nung college, nung nag-uumapaw ang love life ko. Nakakamiss din pala.

A highschool friend uploaded an album on FB, she just gave birth. Yung mukha nilang mag-asawa, priceless. Gusto ko na din tuloy magka-anak. Yung kahit hindi kasal, basta may anak ako. Uso naman yun diba? Sigurado akong may papayag sakin. AHAHAH. Kapal.

Hindi pa rin umuuwi si Bali. Does that make me an irresponsible father in the future? Aso na nga lang, diko pa maalagaan ng tama.

I want a baby, wait for it. Gagawa ako.

Friday, March 9, 2012

Yung siguradong wala na

Yun yung nakakalungkot tanggapin, ang pagkawala ng isang bagay na alam mong hindi na babalik. Like death for instance, alam mong hindi na makakabalik yung mahal mo, kaya masakit siya. Pero kunyari, mangingibang-bansa lang, masakit din naman, pero alam mo kasing may Facebook, may internet, pwede pa rin kayo mag-usap. At nandun yung "babalik din naman siya". Kaya ka panatag.

Iniisip ko, ano ba ang mas masakit sa mawalan?

Para sa akin, masakit yung maghintay sa hindi mo alam kung babalik pa o hindi na. At dadating sa point na iisipin mong sana patay na lang siya, para kahit paano, alam mo kung nasaan siya.

Nawala si Bali kaninang umaga, nakalabas ng gate. Nakita ng yaya ko na hawak siya ng 2 girls. Inassume niya na hindi naman yun si Bali dahil hindi siya lumalabas ng kwarto. Pero wala siya pag uwi nila. Now comes the hardest part. Yung paghahanap.

Ayoko sumuko, pero ayaw ko din umasa. Masakit. But I really want her back. Kaya ginagawa ko lahat para makita ulit siya.

Takot akong umuwi, kasi alam kong wala siya doon na sasalubong sakin sa pinto.

Bali, please come home. Dads waiting for you. ='(

Tuesday, March 6, 2012

Nakita ko na ang dream house ko


Nakakaiyak yung simplicity ng bahay, tapos manonood lang kami ng DVD sa loob ng mapapangasawa ko. Mag-aalaga ng baby, tapos magluuluto kami sa labas tuwing hapon.

Pero sa New York ang trabaho namin, two hours away from this place. Long driving papasok sa work, at pauwi. Weekends, we'd invite friends over, barbecue or something. Inuman sa gabi. Lalagyan ko ng street lights na parang christmas lights, pero bulb. Alam mo yun?

Small house, big dreams inside. Amoy pie tuwing umaga.

The life. <3