Monday, March 12, 2012

I love you, goodbye

Minsan na lang din talaga ako gumawa ng post tungkol sa love, hindi na kasing-dalas nung dati, nung college, nung nag-uumapaw ang love life ko. Nakakamiss din pala.

A highschool friend uploaded an album on FB, she just gave birth. Yung mukha nilang mag-asawa, priceless. Gusto ko na din tuloy magka-anak. Yung kahit hindi kasal, basta may anak ako. Uso naman yun diba? Sigurado akong may papayag sakin. AHAHAH. Kapal.

Hindi pa rin umuuwi si Bali. Does that make me an irresponsible father in the future? Aso na nga lang, diko pa maalagaan ng tama.

I want a baby, wait for it. Gagawa ako.

Friday, March 9, 2012

Yung siguradong wala na

Yun yung nakakalungkot tanggapin, ang pagkawala ng isang bagay na alam mong hindi na babalik. Like death for instance, alam mong hindi na makakabalik yung mahal mo, kaya masakit siya. Pero kunyari, mangingibang-bansa lang, masakit din naman, pero alam mo kasing may Facebook, may internet, pwede pa rin kayo mag-usap. At nandun yung "babalik din naman siya". Kaya ka panatag.

Iniisip ko, ano ba ang mas masakit sa mawalan?

Para sa akin, masakit yung maghintay sa hindi mo alam kung babalik pa o hindi na. At dadating sa point na iisipin mong sana patay na lang siya, para kahit paano, alam mo kung nasaan siya.

Nawala si Bali kaninang umaga, nakalabas ng gate. Nakita ng yaya ko na hawak siya ng 2 girls. Inassume niya na hindi naman yun si Bali dahil hindi siya lumalabas ng kwarto. Pero wala siya pag uwi nila. Now comes the hardest part. Yung paghahanap.

Ayoko sumuko, pero ayaw ko din umasa. Masakit. But I really want her back. Kaya ginagawa ko lahat para makita ulit siya.

Takot akong umuwi, kasi alam kong wala siya doon na sasalubong sakin sa pinto.

Bali, please come home. Dads waiting for you. ='(

Tuesday, March 6, 2012

Nakita ko na ang dream house ko


Nakakaiyak yung simplicity ng bahay, tapos manonood lang kami ng DVD sa loob ng mapapangasawa ko. Mag-aalaga ng baby, tapos magluuluto kami sa labas tuwing hapon.

Pero sa New York ang trabaho namin, two hours away from this place. Long driving papasok sa work, at pauwi. Weekends, we'd invite friends over, barbecue or something. Inuman sa gabi. Lalagyan ko ng street lights na parang christmas lights, pero bulb. Alam mo yun?

Small house, big dreams inside. Amoy pie tuwing umaga.

The life. <3

Friday, March 2, 2012

Adele: Themesong ng buhay nating lahat

Kanina ang pinakamatinong usap namin ni Reynard over coffee. Nakwento ko sa kanya ang mga problema ko sa trabaho, ang gusto kong gawin sa future, at pinayuhan naman niya ako. Sabi niya, mas okay daw kung maging teacher ako kesa magtrabaho abroad sa ad agencies. Nakakamiss ang ganitong usap.

I remember way back college, puro ganito ang usap namin sa barkada. Kung saan kami magwowork, buhay after college, mga ganun. Usually, sa coffee shops namin ito ginagawa ng barkada. Sadly, binago na ng work ang appeal ng coffe shops sa akin. Meeting place na ito, brainstorming, preprod. Kaya naman namiss ko ang small talks sa kapehan.

Tinawagan ako ng past ko kanina, nangamusta. Mga dalawang beses ko yatang tinanong kung anong kailangan niya sa akin. Sabi niya, wala, nangangamusta lang. Usually, tumatawag lang naman yun kapag may kailangan, so nakakapanibago. Nakakapanibago din na hindi ako kinilig sa tawag niya, kahit konti, wala na. Nakakapanibago din na tumawag siya, kasi usually, text lang kami nag-uusap. Wala na talaga.

Nakakalungkot din pala yung ganun. A love so great, posible palang mawala. Akala ko kasi dati, yun na yun. Ang greatest love affair ng buhay ko, hindi pa pala.

Kaya naman habang kausap ko siya sa phone, kumanta si Adele sa utak ko. "Nevermind I'll find someone like you...." Makakahanap din ako ng taong magiging honest sa akin, magtitiwala sa kakayanan ko, magpaparaya kapag may sumpong ako. Makakahanap din ako ng bagong yaya, este, bagong inspirasyon. Naks!

Tulad na lang ng paghahanap ko ng makakapartner sa Amazing Race. Eto ang mga nasa shortlist:

JURRIE: Taekwondo team ng UST. Pwede kaming athletic duo. Kaso pareho kaming duwag sa ipis.
JUNJUN: Swimming instructor, game sa lahat. Kaso pikon. Baka magkainitan lang kami ng ulo pag naligaw.
REYNARD: Mahusay sa directions. Sobrang competitive nga lang. Baka kami i-hate ng manonood tulad ni Marlon sa unang Survivor ph.
COOKAI: hindi mareklamo pero kulang sa physical strength.
JEMAE: maganda at matalino. Kaso walang dugong adventurer sa katawan. Med tech kasi.

Pangarap ko talagang makasali dito sa Amazing Race. Nagpaalam na ako sa boss ko na kung sakaling magkakaroon ng auditions sa TV5, at bawal ang mga employees, I will resign. Seryoso.

Ayun lang. Bored nako sa buhay ko.

May bago pala akong show, ako susulat neto! Watch out!