Monday, August 1, 2016

Salisi

Paano kung yung taong para sa iyo, hindi mo pwedeng makita?

Tinakda kayo ni tadhana, pero hanggang plano lang, na kayo, pero hindi magiging kayo.

Sinulat nila ang love story ninyo na punong-puno ng muntikang pagkikita, pero hanggang dun lang. 

Papasok ka ng mall, papalabas naman siya.

Kasal ng ate ng barkada mong simbahan ang inattendan mo at siya naman sa reception. 

Yung nagpa-gas ka ng sasakyan at nag-aabang siya ng jeep sa kanto. 

Ganun ang love story ninyo, hindi talaga nila tinapos. 

Hahanap ka na lang ba ng iba, o tatanggapin mo na lang na ganito talaga minsan si tadhana.

Magtataka ka din kasi na ang daming pumapasok sa isang relasyon, pagkatapos maghihiwalay din naman pala. 

Magugulat ka na lang talaga kay tadhana. Yung tipong iisang hangin sa iisang kwarto na lang ang hinihinga ninyong dalawa, hindi man lang kayo nagkita sa mata. 



Monday, July 4, 2016

Mahal, kamusta?

Pansinin mo ako, mahal.

Tulad nung pansin na binibigay ko sayo.

Kamustahin mo ako, mahal.

Na parang kailangan ko marinig ang tinig ng boses mo.

Payakap ulit, yung tulad nung dating sobrang higpit.

Kamusta ka mahal, nakikita mo pa ba ako?

Alam kong mahal mo ako, sabi mo diba?

Pero mahal, yung love language ko, gawa hindi salita.

Kaya mo ba akong mahalin,

sa paraang alam ko? Sa pag-ibig na alam ko?

Isang taon na tayo mahal.

Kamusta, tayo?

Nagmamahal, mahal.


Wednesday, May 25, 2016

Peter Pan syndrome

May nabasa akong article about people being afraid to grow up, to take on responsibilities, pay bills. They call it the Peter Pan syndrome.

‘If you read the newspapers, all you hear is that young people’s lives have never been as horrible as today — which basically requires historical amnesia, because that is not the case. Recession and economic depressions have happened across the past century but, in my generation, the important thing was that you struck out on your own — even if you faced serious economic hardships and you were broke all the time. Now people make excuses,’ he says.

Read more: http://www.dailymail.co.uk/news/article-2176281/Generation-refuse-grow-No-mortgage-No-marriage-No-children-No-career-plan-Like-30-somethings-Marianne-Power-admits-shes-.html#ixzz49gygCX1b
Follow us: @MailOnline on Twitter | DailyMail on Facebook


Naisip ko na ako yung kinakausap ng article na yan dahil una, wala pa sa isip ko ang mag-asawa. At komportable ako sa puder ng nanay ko. Nagpapanic ako everytime someone younger than me gets married, or kahot mga ka-batch ko eh kinakasal. Nakakapanic kapag nabubuntis ang kaibigan mo when in fact ganung edad din naman ang nanay ko nung pinanganak niya ako.

Ayoko sabihing may mali sa generation namin, pero may nagbago. At sigurado akong nandun ako sa braket ng ayaw tumanda. I need to talk to someone, set my sails straight once and for all. Pagod na din ako making all sorts of excuses.

Let's open that motherfucking Wadoughs Cafe na.

Tuesday, May 24, 2016

Birthday month coming up

I lost the drive to dream about small things, because God gave me bigger dreams to dream about. A commissary for Wadoughs, a new car, my own place. I don't think I can come up with a birthday wishlist na kayang ibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko, lahat medyo AKO na dapat ang nagbibigay.

I am a grown up. Yung mga kasabayan ko sa buhay, nagsisipag asawa na. I focus so much on work, parang hindi ko na nabibigyang-pansin yung iba kong priorities. Or baka naman kasi priority ko talaga ang work. Ewan.

Lord, isang pagbabago naman sa buhay ko ngayong June 22. Yung masayang walang katulad. <3 p="" salamat="">